HINDI naitago ni Rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson ang pagkadesmaya sa dalawang cabinet officials na aniya’y hadlang sa pagpapatupad ng mga proyekto sa pagbangon ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda.
Sinabi ni Lacson, kung hindi “dedma,” walang pakialam, o kaya ay nananadyang nagpapaimportante ang nasabing mga opisyal.
Ayon kay Lacson, dating tatlo ngunit nagbago na ang isang tinik sa kanyang trabaho.
Lumalabas na may kinalaman sa LGUs ang isang gabinete bagama’t ayaw niyang pangalanan.
Isa pa sa frustration ni Lacson ay ang ipinatutupad na memorandum order 62, kaya tali ang kanyang kamay at limitado ang kanyang kapangyarihan.
May mga bagay aniyang nais niyang ipatupad ngunit hindi magawa dahil walang kapangyarihan sa implementasyon.
(ROSE NOVENARIO)