MULING nagkita-kita at nagkaharap-harap sina Vhong Navarro at ang mga akusado sa pambubugbog na sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Zimmer Raz sa loob ng Taguig Regional Trial Court.
Ito ay kaugnay sa pagdinig sa hirit ng kampo ni Lee na makapagpyansa sila sa kasong serious illegal detention na isinampa ng aktor.
Unang dumating sa kor-te si Cornejo nang dalhin ng mga awtoridad makaraan sumuko sa Kampo Crame kamakalawa, at sumunod si Lee kasama si Raz.
Huling dumating si Navarro at kapansin-pansin ang mahigpit na seguridad sa actor/TV host bukod sa security personnel ng korte na nagpapatupad din ng seguridad sa magkabilang pa-nig.
Nabatid na nagpalipas ng magdamag bilang ordinar-yong bilanggo sa Camp Crame detention facility ang modelong si Cornejo.
Ayon sa ulat ng PNP, pang-19 inmate si Cornejo sa CIDG at hindi binibigyan ng VIP treatment.
Walang aircon sa selda at tanging common electric fan ang nagsisilbing pantanggal ng mainit na tempe-ratura.
Iisa rin anila ang comfort room ng bilangguan na ginagamit ng lahat ng nakapiit.
Hiling ng kampo ni Cornejo na huwag sana si-yang bastusin at gawing kawawa habang nakakulong.
BAIL NI CORNEJO HAYAAN SA KORTE
IPINAUUBAYA ng kampo ni TV host-actor Vhong Navarro sa korte kung papayagan na makapagpiyansa ang modelong si Deniece Cornejo para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ito’y makaraan sabihin ng mga abogado ni Deniece na maghahain sila ng petis-yon para hilingin sa korte na makapagpyansa ang modelo sa kasong serious illegal detention.
Itinuturing ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, na positibong development ang pagsuko ni Cornejo sa kanilang legal battle.
Ngayong nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Cornejo at naaresto na rin ang itinuturong mastermind na si Cedric Lee at isa pang akusado na si Simeon “Zimmer” Raz, umaasa si Mallonga na magiging mabilis na ang pag-usad ng kaso.