O ayan, sumuko na nga si Deniece Cornejo.
Pero nagtataka pa rin tayo kung bakit tinakpan na naman ng scarf ‘yung kamay niyang nakaposas.
Bakit ba ayaw ninyong ipakita ang mga posas ninyo? ‘E noong gumagawa kayo ng kabulastugan ‘e ang tatapang ninyo at ang kakapal ng mukha ninyo.
Nang may posas na kayo, nahihiya na kayo?
Onli in da Pilipins lang talaga na ‘yung mga suspek ay tinatakpan ang posas nila at nakapipili pa kung saan nila gustong makulong.
Hindi pa raw maihatid sa regular na kulungan si Deniece kasi maghahain pa ng motion to bail ang abogado nila.
Ang galing n’yo naman! Palakpakan!
By the way, hindi ba’t nariyan sa Camp Crame ang mga dating ka-negosyong HENERAL ni Cedric Lee?!
Kaya siguro, pa-relax-relax lang si Deniece ngayon d’yan!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com