Monday , December 23 2024

Opisyal ng NPA arestado sa Pasig

ARESTADO ang  opisyal ng New People’s Army (NPA) sa magkasanib na puwersa ng PNP, AFP at CIDG kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Pasig.

Sa ulat, kinilala ni Supt. Mario Rariza, ang nadakip na si Stanley Malaca, nasa hustong gulang, nakatira sa Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod.

Natimbog si Malaca sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at 95th Infantry Division Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Noel Paulite.

Ayon sa record ng PNP, ang suspek ay may kasong double murder, kilala rin bilang “Commander Jamay” at “Angel” ng Committee 2 Larangan Guerilla 77, Bicol Regional Party Committee.

Si Malaca rin ang itinuturong suspek sa pagpatay kay Sergeant Valencia, at isang Private Alcantara ng Philippine Army noong Pebrero 9, 2011 sa Bula, Camarines Sur.          (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *