LA UNION – Patay na nang matagpuan ang isang lolo makaraan magsaksak sa kanyang leeg sa kanilang bahay sa Brgy. Central West, Buang, La Union.
Kinilala ang biktimang si Valentin Valera, 77, balo at residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, natagpuan na lamang ng kanyang manugang na si Lourdez Flores ang matanda na hindi na humi-hinga habang nakahiga sa folding bed at nakatusok sa kanyang leeg ang isang ice pick.
Agad nagpasaklolo si Flores at dinala sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Napag-alaman, noong nabubuhay pa ang matanda ay naghanap siya ng punerarya dahil sa paniniwalang malapit na siyang mamatay.
Matagal nang idinaraing ng matanda ang sakit niyang acute tuberculosis.
(HNT)