Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korupsiyon sa Media laganap — Teodoro

SA kabila ng pagpupursigi ng administrasyong Aquino na walisin ang korupsyon, patuloy pa rin lumalaganap ito hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa hanay ng media.

Ito ang pananaw ni dating dean ng University of the Philippines College of Mass Communication Luis Teodoro sa pagtalakay sa kalagayan ng Philippine media at usapin ng malayang pamamahayag sa bansa.

Ayon kay Teodoro, ang pangunahing problema ngayon ng lokal na media ay ang pagdami ng mga mamamahayag na walang sapat na training o dili kaya’y mali ang naging pagsasanay at karanasan para ituring na tunay na miyembro ng media.

“Dito nag-uugat ang ethical questions ukol sa kanilang pagtupad ng kanilang tungkulin dahil hindi nila matukoy kung ano ang dapat na gagawin sa isang sitwasyon na sumasalungat sa mga alituntunin ng pagiging mamamhayag,” punto niya sa linggohang Tapatan sa Aristocrat media forum.

Sinusugan ito ni Philippine Institute for Development al Studies (PIDS) public affairs chief Rommel Lopez, na nagsabing sa realidad ay laging nakokompromiso ang trabaho ng media sanhi ng laganap na korupsyon sa loob mismo ng news room.

“Kapag nasa editorial ka, ang umiiral ang nais ng may-ari ng pahayagan, radio o telebisyon. Ang totoo, the name of the game ay compromise,” ani Lopez.

May ilang media organization na pinaniniwalaang mismong mga lider nila ay kinokompromiso ang buong organisasyon sa interes ng ilang politiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …