Friday , November 22 2024

Kagawad ng Maynila binoga sa tabi ng anak

PATAY ang barangay kagawad nang  barilin sa loob ng kanyang bahay habang natutulog katabi ang anak, sa Binondo, Maynila, iniulat kahapon.

Binawian ng buhay bago idating sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang biktimang si Jesus Lita, 54, Barangay Kagawad ng Barangay 288, Zone 26, Binondo.

Sa ulat, inilarawan ang suspek na 5’4″ ang taas,  katamtamang pagangatawan, naka-asul jacket at puting jogging pants, naka-helmet at armado ng ‘di nabatid ng kalibre baril.

Sa imbestigasyon ni P02 Michael Maragun ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 3:00 a.m. naganap ang krimen nang pasukin ng riding in tandem sa loob ng bahay ang biktima sa 565 Valderama st., Binondo.

Nabatid, magkatabing natutulog ang biktima at kanyang anak  na si Joshua Lita, na nagi-sing sanhi ng  dalawang putok ng baril, kaya agad siyang humingi ng saklolo para madala sa nabanggit na pagamutan ang ama. Ang biktima ay  nasugatan sa kaliwang tiyan at kaliwang braso sanhi ng kanyang kamatayan.

(leonard basilio, Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop jr., Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *