ni Reggee Bonoan
HINDI naging hadlang ang trapik sa buong Metro Manila noong Miyerkoles mula sa SLEX, NLEX, at EDSA para hindi makarating ang sandamakmak na supporters ninaDaniel Padilla at Kathryn Bernardo sa DOS concert na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
At kitang-kita namin sa ticket outlet ng Araneta Coliseum na may nakalagay na SOLD OUT ang concert tickets at ang upper box A at B ay SRO. Sobrang laki ng kinita ng nasabing show ni Daniel dahil may paper view pa para sa supporters na hindi nakaluwas ng Maynila, sold out din ang DJ Pillows, posters, CD’s, at simcard ng ABS-CBN mobile na ibinenta sa Big Dome.
Tinanong namin ang Star Events executive kung magkano ang kinita ng DOS concert ni Daniel, ”tomorrow pa malalaman ang final (kinita) pero doble ngayon kaysa kinita last year. Super lakas ngayon.”
Ka-level na sina Lady Gaga, Bruno Mars, at Regine sa pagko-concert
Samantala, handa na kami sa senaryong mangyayari sa loob ng Big Dome tulad ng nangyari noong nakaraang taon pero hindi pa rin pala, dahil hindi lang tenga namin ang nagdusa, pati leeg dahil ang fans ng aktor ay hindi nagkasyang manood ng nakaupo maski na nasa PATRON seats na sila dahil nakatayo sila sa mga upuan kaya nagkasya na lang kaming tumingala sa mga naglalakihang video wall para makita ang nangyayari sa entablado.
Pati sa loob ng ladies room ay yumuyugyog sa katatalon ng mga bagets na nasa lower box ang puwesto na akala namin ay may lindol.
Nasulat na rin namin dito sa Hataw noong nakaraang taon ay puwedeng ikompara si Daniel sa sikat na foreign artists na nag-perform sa Araneta Coliseum na sobrang puno tulad ng mga napanood namin na sina Lady Gaga, Vanilla Ice, Bruno Mars, Andrea Bocelli (2004) at nakalimutan na namin ang iba pa. At sa local singers ay ang R2K niRegine Velasquez at Ai Ai de las Alas na halos nasa tuktok na ang tao.
Present ang supporters ni Daniel tulad ng Kathniel, Kathniel KaDreamers, KathNiel KaDreamers Muntinlupa, Daniel_Nation, Team KathNiel, Solid KathNiels, Daniel Rocksssss, KathNielUnivrse, Danielstaz, British Swaggies, Team GangsterKathNiel Admirers, KaDreamers CDO, KathNiel Solid, Agent Black& Yellow,DanielRocks Taguig at iba pa.
Marami pa ang hindi nakapanood kaya’t tinanong namin ang taga-Star Events kung may part two ang DOS concert, ”next year na Reg.”
Kasi nga naman bisi-bisihan na si Daniel sa gagawin nilang pelikula ni Kathryn na She’s Dating A Gangster na ididirehe ni Cathy Garcia-Molina at gagawa ulit sila ng teleserye kaya wala ng pagsisingitan ng schedule ang batang aktor.
Sa kabilang banda, hindi namin inabot ang opening number ni Daniel dahil galing kami ng SM Calamba, Laguna para dumalo sa presscon ng 57th Palarong Pambansa at La Laguna Festival 2014 sa pangunguna ni Governor ER Ejercito na gaganapin bukas, Mayo 3 hanggang 10.
Kuwento ng ilang fans na napagtanungan namin ay kinanta ni DJ sa opening ang hit songs niyang Nasa Iyo Na Ang Lahat na sinundan ng Yugyugan Na.
Kasama sa panauhin ni DJ ang ipinagmamalaki ng Tacloban City na Reo Brothers at ang inabot naming production number ng Parking 5 na binubuo nina JC Padilla, Cedric Gothico, Katsumi Kabe, and Lester Giri habang tumutugtog si Daniel ng base guitar.
Hiyawan din nang lumabas si Khalil Ramos para sa awiting Liwanag Sa Dilim kasama si Daniel.
At ng ipakilala ni DJ ang idol niyang si Rico Blanco na sabi nga niya ay legend sa OPM ay talagang hiyawan na naman ang tao habang kumakanta sila ng Umaaraw-Umuulanna talagang wala na kaming marinig sa kahihiyaw ng mga tao.
At dahil kailangang magpalit na ni Daniel ng damit ay naiwan si Rico sa entablado habang kumakanta ng Sulong, Awit Ng Kabataan, Liwanag Sa Dilim, and Hinahanap-Hanap Kita na iniba ang lyrics.
Sumunod na guest ni DJ ay ang PBB host na si Toni Gonzaga na natuwa nga siya dahil parte raw siya sa The Daniel Padilla fever kaya naman hiyawan na naman ang mga tao at talagang nag-trending silang dalawa sa social media.