Sunday , December 29 2024

CCTV camera ng establishments malapit sa DLSU bogus ang compliance?

00 Bulabugin JSY
NAKAAALARMA ang natuklasan natin kahapon kaugnay ng isang hold-up/robbery case na nangyari d’yan sa harap ng De La Salle University Dagonoy gate.

Ito ay kaugnay ng tila bogus na compliance ng mga establishments malapit sa nasabing unibersidad gaya ng Torre Lorenzo Condominium, Banco de Oro at Jollibee along Taft Avenue malapit lahat sa De La Salle at College of St. Benilde.

Bilang isang magulang, ako ay nag-aalala sa seguridad ng mga estudyanteng nag-aaral sa nasabing  paaralan, gaya nga ng naranasan ng isang 17-anyos na estudyante nitong nakaraang Abril 4, bandang 8:50 ng gabi.

Hinablot na ang kanyang laptop, sinagasaan pa ang kanyang paa. Mabuti na lang at agad siyang nasaklolohan ng security guard na si Mark Joseph Caponpon.

Pero ang higit pong nakaaalarma rito ay nang  matuklasan ng imbestigador na si PO3 Manny Parungao, sa kanyang follow-up investigation, na ang mga CCTV camera sa tatlong establishments na nabanggit ay hindi naka-instila.

Ibig sabihin, meron lang nakasungaw na CCTV camera pero walang koneksiyon. Kumbaga, for display ‘este’ compliance lang dahil requirements ngayon ‘yan sa pagkuha ng business permits.

Habang ‘yung CCTV camera naman sa Dagonoy gate ng DLSU ay nahaharangan ng poste ng LRT.

Ang holdaper na bumiktima sa 17-anyos na estudyante ay naka-L300 at gumamit ng toy gun.

Isinusulat po natin ang pangyayaring ito para tawagin ang pansin ng DLSU at St. Benilde College management, maging ang management ng Torre Lorenzo Condo, BDO at Jollibee.

Ayusin po ninyo ang CCTV ninyo, huwag nang para sa kapakanan ng mga kliyente ninyo kundi para sa kaligtasan ninyo mismo. Paano kung isang araw e pasukin kayo ng masasamang loob, paano maire-record ang pagmumukha ng mga walanghiyang ‘yan?!

Sa DLSU po, paki-check ‘yung CCTV ninyo na nahaharangan naman ng poste ng LRT.

Sa Manila Police District (MPD) Malate Station (PS-9) at Ermita Station (PS5), i-check po ninyo ang mga CCTV under sa area of responsibility (AOR) ninyo, tourist area po kayo, bukod pa sa ilang malalaking unibersidad ang nariyan sa area ninyo.

Galaw-galaw din kapag may time!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *