Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Obama nagdeklara ng suporta

HINDI kayang tibagin ang determinasyon ng Estados Unidos na ipagtanggol ang kaalyadong Filipinas.

Ito ang tiniyak ni US President Barack Obama sa kanyang talumpati sa harap ng mga tropang Filipino at Amerikano, at mga beterano sa Fort Bonifacio kahapon ng umaga.

Ang pahayag ni Obama ay ginawa isang araw makaraan hindi niya direktang tiyakin sa press conference sa Palasyo na ipagtatanggol ng US ang Filipinas sakaling tumindi ang tensyon sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Aniya, muling iginiit ng dalawang bansa ang commitment sa alyansang pinagbigkis ng Mutual Defense Treaty sa loob ng nakalipas na 60 taon.

“This treaty means our two nations pledge and I’m quoting ‘Our common determination to defend themselves against external armed attacks so that no potential aggressor could be under the illusion that either of them stands alone. In other words, our commitment to defend the Philippines is iron clad. And the United States will keep that commitment ‘cause allies do not stand alone,” ani Obama

Bagama’t hindi niya binanggit ang China, muli niyang binigyang-diin na ang mga bansa at kanilang mga mamamayan ay may karapatang mamuhay nang ligtas at mapayapa, kailangang igalang ang soberanya at integridad sa teritoryo.

“We believe that nations and peoples have the right to live in security and peace and have their sovereignty and territorial integrity respected. We believe that international law must be upheld, that freedom of navigation must be preserved, and commerce must not be impeded,” dagdag pa ni Obama.

Bumalik na kahapon si Obama pabalik sa Amerika makaraan ang dalawang araw na pagbisita sa Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

‘COMMITMENT’ NG US DAPAT  TUPARIN — CUISIA

UMAASA si Philippine Ambasador to Washington Jose Cuisia na tutuparin ng Amerika ang matagal nang kasunduan sa Filipinas na Mutual Defense Treaty (MDT) sakaling humantong sa giyera ang pag-aagawan sa ilang isla sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Cuisa, dapat may commitment ang Amerika sa ilalim ng MDT na sasaklolohan ang Filipinas kung titindi ang tensiyon sa China.

Obligasyon aniya ito ng Amerika kaya ito ang kanilang inaasahan.

Ginawa ng ambassador ang pahayag kasunod nang pormal na paglalagda ng Filipinas at Amerika sa Enhanced Defense Comprehensive Agreement (EDCA).

Sa ilalim ng kasunduan, mabibigyan ng access ang mga tropang Amerikano sa military camps ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at maaaring maglagay ang US ng fighter jets at barkong pandigma.

Nilinaw ni Ambassador Cuisia na ang 10-year defense agreement ay hindi naglalayon na magtayo ng panibagong base militar ang Amerika sa bansa.

(LAYANA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …