Tuesday , December 24 2024

Ilang pulis-Maynila nakatkong ang allowance

TUWANG-TUWA ang mga Pulis-Maynila sa pagka-release ng kanilang monthly allowance mula sa Manila City Government nitong Lunes. Ito’y nagkakahalaga ng P27.8 million Land Bank check.

Pero nang magkabigayan na sa mga pulis, nagkaroon ng katkongan!

Halimbawa sa kaso ng isang Sarhento na fifteen years na sa MPD, ang natanggap lang niya ay P2,500 para sa isang buwan, imbes P10,000 para sa apat na buwan – mula Enero hanggang Abril.

Pumunta si Sarhento sa MPD Finance para alamin kung bakit one month allowance lang ang kanyang natanggap. Ang sagot daw ng certain “Ofel” ay “Charge to experience.”

Shock si Sarge sa sagot ni Ofel.

Kaya pumunta siya sa MASA sa City Hall para magtanong. Ayos naman daw ang rekord doon.

Tapos sinadya niya si City Treasurer Liberty Toledo. Ang sabi raw sa kanya ni Toledo ay: “Wala na sa amin ‘yan. Naibigay na namin ang allowance n’yo ng kompleto sa MPD. Doon na ‘yan.”

Tama ang City Treasurer’s Office. Nasa MPD na nga ang problema ng katkongan sa pagbigay ng allowance sa kanilang mga pulis.

Anyare ba, Ma’m Ofel?

Dapat tingnan din ito ni MPD Chief, C/Supt. Asuncion. Unfair naman kasi kay Sarhento na P2,500 lang ang kanyang matanggap e 15 years na siyang miyembro ng Manila’s Finest. At saan naman mapupunta ang P7,500 na itinabi ng Finance, Ma’m Ofel?

Charge to experience na lang ba ‘yan?

Isang nagpakilalang PO2 Noveda naman ang nag-text. Binawasan daw ng tig-isandaang piso ang kanilang allowance. Para kanino o kanino raw mapupunta ‘yung P100? Hindi naman siguro kay Gen. Asuncion?

O, MPD Finance, ekspleyn!

Eto pa, ‘yung mga lubog na pulis at matagal nang itinapon sa Bicutan ay kompleto raw ang nakuhang allowance, pero silang mga aktibo, araw-araw nagdu-duty ay hindi kompleto, may katkong!

Pulis na, pinulis pa!

Daming kotong sa San Jose,

Nueva Ecija

– Mr. Venancio, report ko po dito sa Tayabo, San Jose, Nueva Ecija, ang daming buwaya. Kung mangotong sila akala mo may pinatago silang pera.. Pakiaksiyunan lang po. – 09266474…

Kunan n’yo po ng picture ang mga nangongotong sa inyo at i-upload sa internet para makita ng buong mundo ang mukha ng mga walanghiyaang nangongotong sa inyo.

Reklamo ng MNHPI employee

– Ka Joey Venancio, paki-silip  lang po ang aming employer dito sa Manila North Harbor Port Inc. (MNHPI). Malaki ang bawas ng tax sa mga employees tapos walang refund. Paki-silip po kung nagbabayad ba sila ng tax. Sabi ng taga-BIR walang file na 1604 ang MNHPI. – 09472065…

Mahigpit si BIR Commissioner Kim Henares sa tax collection. Tiyak sisilipin n’ya ang rekord ng MNHPI.

Mga pulis parokyano sa droga

– Report ko po ang talamak na droga sa River side Bagong Ilog, Pasaig City, tapat po ng Morning Star gate na brown. May CCTV pa sila, medyo bulok na. Ang pusakal na tulak dito ay si Bersamin alyas “Jess Lakay”. Puro pulis pa ang parokyano, numero uno yung si Turaray. Madalas din dun ang alyas “Mac”. Daming pulis na adik ang pumupunta rito. Pamanmanan nyo po. Huwag nyo ilabas ang numero ko, delikado. – Concerned citizen

TODA hingi ng tulong kay Mayor Fresnedi ng Muntinlupa

– Joey, bilang pangulo ng Alabang TODA dito sa Alabang, Muntinlupa City ay nananawagan kay Muntinlupa City Mayor Jimmy Fresnedi na proteksiyunan naman ang mga nagbayad ng buwis o permit na biyahe ang bawat  driver and operator ng aking TODA dahil sa bagitong pulis na si alyas Nolasco na protektor ng mga kolorum na tricycle, na kung tawagin Kolorum ng Cupang. Ito ay mga kamag-anak at barkada ng nasabing pulis na mga taga-Brgy Cupang na pinabiyahe niya sa Alabang na perwisyo sa aking TODA. Na di kayang hulihin ng enforcers dahil inaabor ng nasabing pulis. Kaya nananawagan kami sa aming mayor na si Fresnedi na ipahuli ang mga kolorum na tricycle na hawak ni Nolasco. – Alabang TODA

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *