Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taulava, Anthony naghati sa PoW

DALAWANG manlalaro ng Air21 ang  napili ng PBA Press Corps bilang Players of the Week para sa linggong Abril 21 hanggang 26.

Nakuha nina Asi Taulava at Sean Anthony ang nasabing parangal dahil sa kanilang kontribusyon sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup kontra San Miguel Beer kung saan dalawang beses na tinalo ng Express ang Beermen upang umabante sa semifinals.

“The hard work starts in the offseason with my personal trainer,” wika ni Taulava na nag-average ng 16.5 puntos, 8.5 rebounds at 1.5 na supalpal sa dalawang laro ng Air21 sa quarters. “When the season starts, I’m just out there having fun. It was just another team we had to go through if we wanted two make it to the semis. Our team is very focused and hungry.”

Sa panig ni Anthony, nag-average siya ng 21.5 puntos, 9.5 rebounds at 2.5 na agaw sa quarterfinals pagkatapos na nakuha siya mula sa Talk n Text bago magsimula ang Commissioner’s Cup.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …