Friday , November 15 2024

P.4-M tinangay ng 4 kawatan sa tinodas na LPG dealer

PATAY ang isang LPG dealer nang pagbabarilin ng isa sa apat na hindi nakilalang suspek saka tinangay ang tinatayang P.4 milyon  benta ng tindahan sa Caloocan City, iniulat kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Nodado Hospital ang biktimang si Artemio San Luis, 50, ng Phase 7-B, Bgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala sa ulo ng ‘di nabatid na kalibre baril.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang apat na hindi nakilalang mga suspek na mabilis tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, dakong 9:30 p.m. naganap ang pamamaslang sa loob ng tindahan ng LPG ng biktima.

Nabatid, nagliligpit ng kanilang paninda si San Luis, ka sama ang helper na si Roden Ganadin, nang pumasok  sa loob ng tindahan ang isa sa mga suspek  sabay tutok ng baril sa mag-amo at nagdeklara ng holdap habang nagsilbing look-out ang tatlo niyang kasama. Sapilitang kinuha ng gunman  ang P425,000 benta ng tindahan saka pinutukan nang malapitan ang biktima at  mabilis  na tumakas  ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklong hindi na naplakahan.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *