Wednesday , April 16 2025

Negosyanteng misis iniligpit ng mister, bayaw

NATAGPUAN ang bangkay  ng  isang ginang na negosyante na sinabing pinatay ng kanyang asawa at bayaw, sa San Juan City, nitong Abril 22.

Sa ulat kay Supt. Adolfo Samala, Jr., Las Piñas – PNP, unang naaresto si Angelito dela Cruz, bayaw ng biktima, sa 412 Ipil St., Manila Doctor’s Subdivision, Las Piñas City nitong Abril 23, habang ang asawa ng biktimang si Gemma dela Cruz,  na si Billy dela Cruz, ay nadakip sa isang follow-up operation sa 9 Love St., Camella Homes, Barangay Pilar, Las Piñas City.

Sa imbestigasyon sinabing pinaslang ng suspek na si Billy ang kanyang misis na si Gemma, 29, noong Abril 22, sa kanilang bahay sa San Juan City, kasabwat ang kapatid na si Angelito.

Nasaksihan ng  gwardiyang si Rizaldy Paday, 22, ang magkapatid habang bitbit ang bangkay ni Gemma na isinakay sa isang Mitsubishi L-300 van, may plakang TRJ-926.

Agad ipinagbigay alam ni Paday sa San Juan Police ang kanyang nasaksihan pero hindi agad nadakip ang mga suspek dahil hindi na umuwi sa kanilang bahay sa San Juan.

Nabatid, natagpuan ang bangkay ng ginang sa  Laguna nitong Abril 23 ng ilang residente na agad ipinagbigay-alam sa pulisya at natunton sa San Juan City.

Sa tulong ng Las Piñas Police agad naaresto ang magkapatid na kasalukuyang nakapiit habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. (JAJA GARCIA/

MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *