Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Mentor’ ni Napoles sa pork scam ilalantad ( Pork King itinanggi ni Abad )

042614_FRONT

NANINDIGAN ang kampo ni Janet Lim-Napoles na hindi ang negosyante ang nagplano, nagmaneobra at utak ng pork barrel fund scam.

Ayon kay Atty. Bruce Rivera, bagama’t wala pang pinal na affidavit ang kanyang kliyente, nais nilang bigyang-diin na may mga taong nagdikta at nagturo kay Napoles para sa naturang mga transaksyon.

“Noong pumasok siya sa scene, it was already there. She will explain that in the affidavit,” wika ni Rivera.

Para sa abogado, malalantad sa tamang panahon ang nilalaman ng affidavit kaya huwag sanang husgahan agad ang kanyang kliyente.

Nauna rito, lumabas kahapon sa pahayagang Daily Tribune ang pangalan ni DBM Sec. Butch Abad na sinasabing siyang nagturo ng scam operations kay Napoles.

Bukod kay Abad, may isa pang mataas na opisyal ng executive department ang sinasabing nagkaroon din ng papel sa mga transaksyon.

Habang ayon sa The Manila Times, isang dating DAR secretary, DA undersecretary at leading senator na prominent member ng Liberal Party, ang tinukoy na mentor ng scam.

Una rito, sinabi ng Malacanang, hindi manghihinayang si Pangulong Benigno Aquino III na mawalan ng mga kaalyado kung mapatutunayan ang mga dawit sa katiwalian.

HATAW News Team

PORK KING ITINANGGI NI ABAD

NAKATATAWA at malaking kasinungalingan. Ito ang pahayag kahapon ni Budget Secretary Butch Abad kaugnay sa taguri sa kanya bilang “pork king” makaraan lumabas ang ulat na siya ang nagturo kay Janet Lim Napoles sa pagsasagawa ng scam sa pork barrel fund.

“These fresh allegations that I ‘tutored’ Janet Lim Napoles in designing the PDAF scam are simply not true. I’ve been called several names since I began serving in this Administration, but ‘pork king’ is certainly the most ridiculous. It would in fact be funny if it weren’t such a blatant lie,” aniya.

Sa kasalukuyan aniya ay hindi pa siya nakatatanggap ng kopya ng bagong affidavit ni Napoles kaya’t hindi pa siya makapagbibigay ng komento nang maayos.

Ngunit mariin niyang itinanggi na nagkaroon sila ng transaksyon ni Napoles at hindi rin siya nagsilbing “mentor” sa iskema ng paglulustay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

“These are all speculations at the moment, though, and until I receive a copy of Ms. Napoles’ affidavit, I cannot comment properly on the matter. Suffice it to say that I have never dealt with Janet Lim Napoles, much less acted as a mentor in executing her alleged schemes,” sabi pa ni Abad.

(ROSE NOVENARIO)

Giit sa DoJ

TESTIMONYA NI NAPOLES  ILABAS

IGINIIT ng anti-corruption group sa Department of Justice (DoJ) na ilabas sa publiko ang kompletong testimonya ni Janet Lim Napoles.

Pangamba ng Scrap Pork Network, maaaring linisin ng DoJ ang listahan na ibinigay ni Napoles upang maprotektahan ang mga kaalyado ng administrasyon.

Dagdag ng grupo, hindi dapat tanggapin si Napoles bilangs tate witness dahil itinuro ang negosyante ng mga whistleblower bilang siyang mastermind sa pork barrel scam.

Nagbanta ang grupo na magsasagawa ng kilos-protesta kapag binigyan ng immunity sa kaso si Napoles.

Babala ni De Lima

NAPOLES LIST  ‘MANGGUGULO’

IBINASURA ni Justice Secretary Leila de Lima kahapon ang kahilingan na isapubliko ang listahan ng mga taong ikinanta ni Janet Lim Napoles na sangkot sa multi-billion peso pork barrel scam.

Ayon kay De Lima, hindi niya premature na ipalalabas ang listahan dahil maaari itong magdulot ng kaguluhan.

Aniya, mas mainam na i-validate muna ang mga testimonya ni Napoles.

Nauna rito, sinabi ni dating Senador Panfilo Lacson, binigyan din ng listahan ng kampo ni Napoles, nagbanggit ang negosyante ng mahigit 100 katao, kabilang ang 10 senador, bukod kina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla.

Sinabi ni De Lima, hindi siya mapasusunod sa pressure dulot ng mga ulat kaugnay sa sinasabing “Napoles list” na ipinalabas ng iba’t ibang kampo.

Aniya, ang sinasabing mga listahan ay lumalabas upang siya ay ma-pressure na ipalabas ang mga pangalan na inihayag sa kanya ni Napoles.

Dagdag pa ng kalihim, ang mga nagpapalabas ng sinasabing listahan mula kay Napoles, ay “nagpapagulo lang”.

“Pwede ba, huwag na muna kayo makialam? Marami na naman kasing nakikialam. Nagugulat ako sa ganyang mga balita,” mensahe ni De Lima sa mga taong nagpalabas ng “Napoles list”.

Samantala, kinuwestyon ni De Lima si Whistleblowers Association president Sandra Cam, sinasabing mayroon ding sariling listahan.

Aniya, si Cam ay walang personality at walang standing sa isyu dahil hindi siya whistleblower sa pork scam, at hindi rin imbestigador.

“Ano personality nya? Is she an investigator? Is she with the Ombudsman? Whistleblower ba siya sa PDAF scam? Siya ang presidente ng Whistleblowers Association, but she is not a whistleblower in the PDAF scam,” diin ni De lima.

Sinabi ni De Lima na tatanungin niya ang kampo ni Napoles kung nagbigay sila ng listahan sa ibang mga tao, dahil hindi niya ito alam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …