Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fil-Am doc patay sa hospital attack sa Afghanistan

KABILANG ang Filipino-American doctor sa tatlong namatay sa pag-atake sa isang hospital sa Kabul, Afghanistan.

Ayon sa Philippine Embassy sa Washington D.C., kinilala ang doktor na si Dr. Jerry Umanos, isang Filipino-American pediatrician mula Chicago.

Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang embahada sa pamilya ni Dr. Umanos.

“Our condolences to the family of Dr. Jerry Umanos, the Filipino-American pediatrician from Chicago who was killed in Kabul on Thursday,” pahayag ng Philippine Embassy sa Washington.

Kinompirma ni Afghanistan Health Minister Suriya Dalil, pulis ang suspek sa pag-atake at walang habas na nagpaputok ng baril sa loob ng Cure Hospital.

Sinabi pa ni Dalil, nasa hospital gate si Umanos at binabati ang dalawang bisitang Amerikano nang magpaulan ng bala ang suspek.

Kabilang din ang mag-ama sa mga namatay sa nasabing pag-amok ng pulis na suspek.

(KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …