Friday , November 15 2024

Grabe na ang mga nangyayaring krimen

OO, maging ang demonyo o si Satanas ay mahihiya na sa mga nangyayaring krimen ngayon.

Aba’y pati sanggol na wala pang isip ay pinapatay na ng mga magnanakaw na namamasok ng bahay. Tulad ng nangyari sa walong buwan pa lamang na si Mark Daniel Zindia na pinagsasaksak ng mga magnanakaw habang ito’y natutulog katabi ang kanyang mommy sa San Agustine Village, Brgy. Lawa, Calamba City.

Ang mga nakagagawa lamang ng ganitong karumal-dumal na krimen ay yaong mga taong wala nang konsensya at wala na sa hustong kaisapan.

Adik o lango sa ipinagbabawal na gamot ang kadalasa’y gumagawa ng ganitong karumal-dumal na krimen.

Wala na ngang lugar na ligtas ngayon sa mga kriminal. Kahit nasa loob ng bahay ang target ay papasukin nila at doon na mismo titirahin, kahit sa harap ng kaanak ang biktima. Ganun na kaagresibo ang mga kriminal ngayon.

Kaya ang advise natin sa mga medyo may atraso o may nakaalitan dyan, maging handa kahit kayo’y nasa loob ng inyong pamamahay. Kung may baril kayo, laging isukbit sa bewang at ilagay sa ilalim ng unang kapag natutulog. Dahil hindi tayo nababantayan ng mga pulis laban sa mga kriminal. Busy din kasi sila sa kanilang “hanapbuhay”!

Tama ba ako, Chief PNP, Alan Purisimma, General, Sir!

Talamak ang shabu sa

Northville 4, Brgy. Lambakin,

Marilao, Bulacan

– Residente po ako ng Northville 4, Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan. Gusto ko po kasi ireklamo ang talamak na bentahan dito ng shabu, sa tabi po mismo ng barangay outpost. Nakakatakot na nga po dito kasi  kung  sinu-sinong ibang mukha ang pumupunta rito. Malakas  ang loob ng mga nagtutulak ng shabu dito kasi  pinoprotektahan sila nung alyas “Obet” na kanang kamay ng kapitan. At ang mga pulis lagi dito nakaparada ang mobile nila, inaantay nila yung lagay bago sila umalis. 357 ang number ng sasakyan nila. Kaya dapat ay PDEA ang manghuli rito. Pati DILG sana imbestigahan nyo itong mga pulis  na ito. – Concerned citizen ng Brgy. Lambakin

Shabuan sa Sapang Palay, Bulacan (Brgy. Acaya,

Blk 20 Lot 15)

– Sir Joey Venancio, gud nun po. Report ko dito sa Sapang Palay, Bulacan, sa Brgy. Acaya, Blk. 20 Lot 15, ginagawang shabuhan ang bahay ni “Jessie” araw-gabi po yan. Paki-aksiyunan naman po. Huwag nyo ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

O, kung sinuman ang tserman dito sa Brgy. Acaya na nakakasakop sa Blk. 20 Lot 15, siguro naman ay kilala n’yo ang nabanggit na Jessie na umano’y ginawang drug den ang kanyang bahay. Ipa-raid nyo na yan, Tserman!

Paging DoJ Sec. de Lima:

Malala na po

ang droga sa Bilibid

– Mr. Venancio, gusto ko ipaabot sa dapat makaalam ang malala nang problema dito sa loob ng Maximum ng National Bilibid Preson. Ilang tao na ang nagbuwis ng buhay, dalawa rito ay Iglesia Ni Cristo, mga walang kinalaman at napatay dahil sa mga inmate na sobrang lango sa droga.

Sobrang talamak na po ang droga sa Bilibid. Bulag ang mga tauhan ng Bureau of Corrections dahil sa tapal ng pera sa bawat kilo-kilong droga na pinapasok sa Bilibid.

Ang Chinese na si A.L. ng Dorm 1B BCJ ang pasimuno sa pagpasok ng droga sa loob. Ikinakalat sa dorm 12B, 1A, Blgd. 4, Bldg. 3, 9, 13, 11, 2 at halos lahat ng dorm.

Nakapagtataka na puro mga malalaking pangalan o mga nanunungkulan sa bawat brigada ang binabagsakan nya ng droga. Nakapagtataka po na mga gumagamit lang ng droga ang  hinuhuli nila. Ang mga ulo nito ay  hindi hinuhuli. Bakit po kaya? Maaring totoo ang balita na ang mga negosyante ng droga dito sa loob ay nagbibigay ng lingguhan at buwanang suhol sa mga tauhan ng bureau para malaya silang makapagtulak ng droga sa loob ng Bilibid.

Kasabwat din nila ang mga duktor sa ospital. Kapag nasalang sila sa drug test, negative sila kahit sila’y talamak na gumagamit.

Kasabwat din nila mga taga-overseer, O.D para sa paniningil ng mga pautang sa droga. Kapag hindi sila nabayaran, pinapatapon ng mga ito ang inmates sa medium compound. Ganyan ngayon kalupit ang iligal sa loob ng Bilibid. Sana mapatutukan din ito ni Pangulong Noynoy Aquino- Concerned inmate

Kung nakapapasok ang droga sa loob ng Bilibid, aba’y sino ang dapat sisihin dyan kundi ang mga bantay ng NBP! Wala namang ibang dadaanan ang pagpasok ng droga sa Bilibid kundi sa gate, right?

Ayon sa source, ang pagpasok ng droga sa Bilibid ay isinasabay sa mga suplay. Kung ganun, dapat magkaroon ng scanner dyan o kaya’y mga K9 drug sniffing dogs sa gate?

What do you think, DoJ Sec. Leila de Lima, madam?

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *