Tuesday , December 24 2024

Performance audit ng mga Militar na nasa customs

NAPAPANAHON na para isumite sa performance audit  ang ex-militry officers at ilang civilian na pinaglalagay sa Bureau of Customs six months ago bilang kapalit ng mga beteranong career officials sa BoC. Ang pagpapalit  ng matataas na liderato ay upang, one, paalisin ang mga beteranong who were perceived to be unprofessional or corrupt, and second, upang umpisahan ang major reform daw sa customs sa ilalim ng mga bagong pamunuan. Isa mga bagong kapalit ay ang Commissioner na si John Sevilla, na maraming taglay na credentials para pamunuan ang corrupt customs agency.

Ang mga backup ni Sevilla, isang civilian, ay halos mga military (retirado) tulad ng spy czar Jes-sie Dellosa, law enforcement head Ariel Nepomuceno, ang kanyang hepe na si Director Tolentino, at ang intel service chief. Nandiyan din ang mga hepe ng mga sensitibong pwesto tulad ng district collector ng MICP,  POM at maraming customs outports (provinces). Wala silang experience sa assessment. Para bang mga OJT(on the job training) sila lalo sa assessment (examination and appraising).

Hindi lang natin tiyak  kung gumanda ang revenue collection sa bagong leadership. May napaghuhuli man na mga shipment, pero karamihan ay violation ng tariff code tulad ng undervaluation, at ilang may misdeclaration. Noong panahon ni dating Commissioner Willy Parayno, particular lang siya sa “solid accomplishment.” Meaning iyong smuggled goods na wala siyempreng mga import entry. Iyon bang out and out  smuggling infraction. Iyong undervaluation ipinauubaya na lang sa mga mababang personnel at ng pagsita at pagpataw ng kaukulang  parusa.

Sa larangan ng paghuli ng smuggling sa customs, kailangan iyong mga credible na informers (whistleblowers) na marami diyan. Pero paanong maka-convince ang pamunuan na kuhanan ng very reliable informant samantala ina-lisan na sila halos ng cash reward. Ang reward ay ipinako sa P1-million flat kahit pa ‘ika nga uma-bot sa daang milyon ang value na smuggled goods. Paano magkakagana ang mga informer  ni walang intelligence fund and Bureau laban sa yearly pondo na P4.5 million. Hangang saan aabot ang mga ito? Kung mayroon mang nagtatrabaho na mga informer laban sa bigtime smuggling, baka ibinebenta rin sa mga importer na smuggler, may pabuya pa sila.

Kung may mga accomplishment man ang mga nakaupong district collecrtor or mga intelligence officers o law enforcers, hindi sapat sa ginagastos ng pamahalaan sa mga salary, allowances at ibang benepisyo ng mga nahuhuling naglalakihgang bulto ng mga shipment lalo ang bigas. Ito ay uri ng “open smuggling” na kung tawagin ng Agriculture secretary ang NFA ay smuggling. Bakit ‘kan’yo? Dahil walang import permit mula sa sa department nila. Therefore, ito ay questionable dahil sa 20l2 resolution ng World Trade Organization (WTO) na inalis na ang res-triction sa rice importation. Ibig sabihin kasama din ang Pinas dahil tayo ay member ng WT0. Pero ang gusto ni Secretary Alcala, na isang Trapo, ituloy ang restriction sa bansa.Tanging sila lang ang may karapatan mag-isyu ng import permit na isang violation sa WTO resolution.

Kaya hindi masasabing solid accomplishment ang mga huling imported na bigas. Dinala pa sa Supreme Court para mabigyan linaw sa kabila ng warning ng DOJ kay Alcala na dapat niyang ipatupad ang 20l2 WTO decision. Siguro sa paniniwala ng DOJ, local or domestic law tulad ng ipinipilit ni Alcala cannot prevail over an international treaty (WTO resolution). Sino naman kaya sa mga taga-agriculture and NFA ang tumatabo ng kickback sa import ng bigas. Aber, sabihin nga ninyo mga ginoo?

Sabi nga natin, panahon na upang may audit na performance ng ma bagitong opisyales sa customs. Karapatn ng mga taxpayer dahil ang sinusuweldo nila ay pinagpawisan nila.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *