Tuesday , December 24 2024

Online scams

KAPAG may libre akong oras, naglilibang ako sa pagbabasa ng letter scams na naliligaw sa email ko. Kung hindi ‘yung tipong mambibiktima (o magtatangkang makakuha ng mahahalagang impormasyon gaya ng usernames, passwords, at credit card details sa pagpapanggap na respetadong websites) ay madadramang kuwento na nangungumbinse sa get-rich-quick schemes na tiyak na sasaid sa bank account mo.

Nakatatanggap ako ng average na apat na “sad story” mails kada linggo. Minsan, talagang naaaliw ako at may pagkakataong muntik-muntikan ko nang i-click ang reply button para malaman kung ano ang mangyayari. Pero naiisip ko’ng huwag na lang, sasayangin ko lang ang oras ko. Kaya nakuntento na lang ako sa nakasana-yan nang mental exercise ng pag-e-edit sa mga email na mali-mali ang pagkakasulat at natukoy ko rin ang common denominators sa magkakaiba, pawang gawa-gawa lang na istorya.

Paulit-ulit lang sa mga scam ang ganito:

1. Nanggaling ito sa Burkina Faso, isang bansa sa West Africa.

2. Laging may milyun-milyong dolyar na nasa bangko sa Burkina Faso.

3. Ang nagpadala ng email, kung hindi matandang babae na may malubhang sakit, partikular ay ovarian cancer, ay isang dalaga na naulila sa pagkamatay ng kanyang ama na isang government official, at handang mag-aral sa ibang bansa.

4. Hihingin nila ang mga personal na impormasyon tungkol sa iyo dahil kailangan daw nito sa pagta-transfer ng milyun-milyong dolyar sa iyong account.

5.Aalukin ka ng 40 porsiyentong share sa kabuuan ng ililipat na pondo.

6. Aapurahin ka nila para agad na magdesisyon.

Ano ang mangyayari kung mag-reply ang tinatarget na biktima sa email ng scammer?

Nag-research ako sa internet,  at  ito ang aking natuklasan:

Ang scam ay tinatawag na Advanced Fee Fraud, isang short con na base sa scammer na agad na makakakuha sa iyong tiwala.

Sa money transfer scheme na ito, ipapaalam sa’yo ng nagsulat ng email na bagamat isa kang estranghero, wala siyang choice kundi ang pagkatiwalaan ka at mag-deposit ng milyun-mil-yong dolyar sa iyong account dahil kailangan niya ang isang dayuhang partner para mailabas ng bangko ang pondo.

Target ng scammer na kumbinsihin ka sa isang pambihirang deal, sobrang pabor sa’yo na makukumpiyansa ka na magtatagumpay ito. Dara-ting sa punto na hindi ka na mangingiming ipagsapalaran ang pinaghirapan mo’ng pera para masiguro lang na magtatagumpay ang deal. Padadalhan ka ng mga kopya ng kunwaring mga opisyal na dokumento mula sa gobyerno at mula sa banko upang kombinsihin ka na hindi siya dapat pagdudahan.

At sa puntong ito na aatake ang scammer. Sasabihin niyang delikadong mauwi sa wala ang inyong mga pinaghirapan (dahil sa kung anong dahilan) at hihiling na magbigay ka ng mas mala-king pera para maisalba ang nanganganib na deal. Kung ikaw ay isang mabuting tao na mada-ling mabagbag ang damdamin, o ignorante o sad-yang madali lang mauto, baka bigla ka na lang mag-goodbye sa pera mo.

Ingat lang.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *