Thursday , December 19 2024

Napoles ikanta mo sa Senado — Miriam (19 senador sa pork scam?)

NAIS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, sa Senado ‘kumanta’ si Janet Lim Napoles ngayong lumutang na ang balita na umabot sa 19 senador ang sangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam o anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Kasunod ito ng kompirmasyon ng Department of Justice (DoJ) na lumagda sa affidavits si Napoles at isiniwalat ang kanyang mga nalalaman at ibinunyag ang mga sangkot sa eskandalong kinabibilangan ng ilang senador at kongresista.

Gayonman, tumanggi muna si Justice Sec. Leila De Lima na isapubliko kung sino-sino ang mga opisyal na binanggit ni Napoles sa kanyang sinumpaang salaysay, bukod kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Ayon kay Santiago, sumulat na siya kay Senate blue ribbon committee chairman Sen. Teofisto Guingona III at hiniling na imbitahan o kaya ay i-subpoena si Napoles para humarap sa pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay sa isyu.

“This is to respectfully recommend that the Senate Blue Ribbon Committee should invite or subpoena Janet Napoles to continue the inquiry, in aid of legislation, on the pork barrel scam. In her first appearance before the committee, Ms. Napoles consistently refused to answer questions by invoking her right against self-incrimination,” ani Santiago.

Magugunitang sa unang pagharap ni Napoles sa Senado ay halos walang napiga ang mga senador dahil panay tanggi ang negosyante sa mga katanungan kaugnay ng anomalya sa PDAF o pork barrel.

“Meanwhile, I respectfully propose that the Napoles case should be given priority to the case of Atty. Gigi Reyes, whose whereabouts seems to be unknown at this time, triggering rumors wild or otherwise, on where she is,” bahagi ng sulat ni Santiago kay Guingona.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang tanggapan ng Senate blue ribbon committee sa kahilingan ni Santiago.

(CYNTHIA MARTIN)

NAPOLES BILANG STATE WITNESS ‘TOO LATE’ NA

INIHAYAG ni Atty. Levito Baligod na malabo at ‘too late in the day’ nang maging state witness si Janet Lim Napoles.

Sinabi ni Baligod, abogado ng whistleblowers sa pork barrel scam, marami siyang katanungan sa magiging proseso ng Department of Justice (DoJ).

Ayon kay Baligod, patapos na ang judicial proceedings sa Office of the Ombudsman kaya malabo nang maihabol bilang state witness si Napoles lalo kung sa mga kaparehong kasong naisampa na.

Hindi na rin aniya maaaring isailalim sa Witness Protection Program (WPP) si Napoles kung ang sasabihin ay sakop na sa plunder cases laban sa tatlong senador na kasama ang negosyante bilang principal accused.

Kombinsido si Baligod na kahit wala ang testimonya ni Napoles, malakas ang kanilang ebidensiya para hatulan ang mga nasasakdal.

Dapat din aniyang managot si Napoles dahil kasama siya sa mga pangunahing players ng napakalaking eskandalo sa pondo ng bayan.

(LAYANA OROZCO)

WHISTLEBLOWERS KONTRA SA PAGTESTIGO NI NAPOLES

HINDI sinang-ayonan ng kampo ng mga testigong sina Benhur Luy at Ruby Tuason na maging state witness si Janet Lim-Napoles s o kahit ordinary witness man lang.

Sa pulong balitaan kahapon sa lungsod ng Quezon, sinabi ng abogado ni Tuason na si Atty. Dennis Manalo, hindi maaaring maging state witness ang most guilty sa kaso.

Duda rin siya sa magiging takbo ng mga pahayag ni Napoles kung papayagan na maging testigo.

“Hindi na natin malaman kung kailan nagsasabi ng katotohanan si Napoles, kailan hindi,” wika ni Manalo

Habang sinabi ng abogado ni Luy na si Atty. Radji Mendoza,  kahit sa pagiging ordinary witness ay mahihirapan si Napoles.

“Napakalaki ng involvement niya rito. Siya ‘yung may negosyo, nagbibigay ng komisyon,” pahayag ni Mendoza.

ALYADO NG PALASYO  IKAKANTA RIN

NAKAHANDA ang Palasyo sa posibilidad na maging ang mga alyado ni Pangulong Benigno Aquino III ay ikanta rin ni Janet Lim Napoles sa P10-B pork barrel scam.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang atensiyon ng administrasyong Aquino ay nakatuon sa paghahanap sa katotohanan at ang mga ebidensiya ang magtuturo sa direksiyong ito.

“Our focus here is the quest for truth and the President is… The President has time and again said that the evidence itself must provide the direction. We have time and again pointed out that the symbol of justice in this country is a blindfolded lady carrying the scales of justice, and that means that there is no fear or favor in the exercise of our responsibility to bring to the bar of justice those who are involved in the alleged misuse of public funds,” ayon kay Coloma.

Nauna nang inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III si Justice Secretary Leila de Lima na pag-aralan ang bagong testimonya ni Napoles na naglalahad ng mga nalalaman niya sa P10-B pork barrel scam, gaya ng partisipasyon nina Sens. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Napaulat na umabot sa 19 mambabatas ang tinukoy ni Napoles sa kanyang bagong affidavit, bilang mga sabit sa pagwawaldas sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *