Saturday , November 16 2024

Madam Leila de Lima justice secretary o spokesperson?

00 Bulabugin JSY

HINDI natin alam kung ano ba talaga ang papel ni Madam Leila De Lima sa Department of Justice.

Siya ba talaga ang secretary o spokesperson siya ng Justice Department?

Daig pa kasi ni Madam Leila ang isang rumerepekeng torotot tuwing mayroon silang issue o aarestohin.

Una na nga ‘e noong naisyuhan ng warrant of arrest si Janet Lim Napoles. Sumunod ‘e ‘yung Navarro case versus Cedric Lee, Deneice Cornejo et al.

Nang iakyat na nila ang kaso sa Taguig RTC laban sa mga suspek ‘e agad niyang inihayag sa publiko.

Kaya, nagtatago na ang mga suspect ngayon dahil na-telegrama ‘este’ naabisohan na niya agad!

Tapos ngayon naman, sinabi niyang ‘kumanta’ na si Napoles.

Pero nang itinatanong ng mga reporter ang mga detalye ‘e parang bigla pang uminit ang ulo ni Madam Leila.

‘E bakit nagpa-PRESS CONFERENCE ka pa Madam kung hindi ka naman sasagot nang maayos sa media people?!

Ano ‘yan para lang sabihin na mayroon kang ginagawa at hindi pakaang-kaang lang?!

‘Yung mga pag-aresto, ‘yun dapat hindi mo agad inidi-divulge. Pero ‘yung kung sino ang magkakasabwat d’yan sa multi-billion pork barrel scam na ‘yan ‘e dapat malaman ng sambayanan ‘yan sa pamamagitan ng media.

O baka naman, ‘ayaw mo munang sabihin dahil d’yan sa 19 katao (umano) na ‘yan ‘e mayroong mga sanggang-dikit ang Palasyo na nais n’yo munang pasibatin ng bansa?!

Tayo naman ‘e nagtatanong lang.

Pero sa totoo lang, kapag nalaman ng 19 katao na ‘yan na kasama sila sa mga ‘itinuga’ ni Napoles, malamang mag-FLY AWAY na sila at mag-ala-PING LACSON na naman.

Ngayon, Madam Leila, kung ayaw mo naman mapagbintangan na mayroon kayong tinitingnan at tinititigan sa mga aasuntuhin na ‘yan, mabuti pa isampa n’yo na muna ang mga kaso at saka mag-isyu kayo ng lookout bulletin o hold departure order (HDO) bago ninyo ihayag ‘yan sa publiko.

Para wala nang lusot. Ilan na ba ang nakapuslit palabas ng bansa dahil sa pagkataklesa mo Madam?

Higpitan n’yo rin pati ang backdoor at gumawa kayo ng poster ng mga pagmumukha ng mga ‘yan para makilala sila ng taong bayan na pinagsasamantalahan nila.

‘Yun lang Madam Leila, para naman kahit paano ‘e maniwala pa kami sa mga sinasabi ninyo.

By the way, may abogado ba si Janet Napoles nang ginawa niya ang kanyang sworn affidavit, Madam Leila De Lima?

Baka ma-technical na naman tayo riyan!?

ANYARE SA STL AT SA LOTERYA NG BAYAN (PLB)?

KUNG hindi tayo nagkakamali, magdadalawang taon na nang i-announce ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Jose Ferdinand Rojas II, na ang operasyon ng  PCSO Small Town Lottery (STL) ay papalitan na ng LOTERYA NG BAYAN (PLB).

Gusto raw kasi nilang putulin ang paggamit ng mga ‘gambling ‘jueteng’ lord’ sa STL.

Lumalabas kasi na mas malaki pa ang cobranza ng  jueteng-STL kaysa tunay na STL.

Kaya nga ang tanong natin, nangyari ba ang plano na ‘yan?

Natigil ba ang paggamit ng mga ‘jueteng lord’ sa STL?

Hindi ba’t talamak pa rin ang jueteng lalo na sa Pangasinan, La Union, Cagayan, Baguio, Calarbazon at  iba pang lalawigan sa Northern Luzon?

‘E kung mas malaki pa ang kinikita ng mga ilegal, papaboran natin ang inihaing panukalang batas (House Bill 4058) ng mag-utol na congressman na sina Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez and Abante Mindanao partylist Rep. Maximo Rodriguez, Jr., na naglalayong itigil na ang STL sa buong bansa para wakasan ang paggamit ng mga ‘gambling lord’ sa nasabing PCSO lottery.

Paging PCSO!

FULL BLAST VICES SA AOR NI KERNEL FLORENCIO ORTILLA

SA pagkakatalaga kay Kernel RENZ ORTILLA bilang hepe ng Pasay PNP, maraming mga taga-Pasay ang umaasa na mababawasan ang masasamang bisyo at kriminalidad sa kanilang lungsod.

Pero isang maling akala lang pala ang inaasahan nilang pagbabago.

Iba’t ibang uri ng illegal vices ang matatagpuan pa rin saan man sulok ng Pasay na binansagang “Dream City, Aim High Pasay at Travel City.”

Hindi nabawasan ang illegal vices sa lungsod ng Pasay, nag-increase pa, lalo ang mga illegal terminal ng taxi, jeepney, tricycle, pedicab, bus at SUV express.

Nagkalat pa rin sa Pasay ang sex den houses o putahan, mga beerhouses na may VIP cubicles sa loob ng kanilang establisyemento; mga SPA kuno na nag-aalaga ng mga masahistang babae na may mga private rooms with extra service. Nite clubs na may nagsasayaw nang hubo’t hubad na babae.

Ang notorious na sex trafficking hub na International Entertainment Complex sa EDSA Extension sa Pasay ay humahataw pa rin.

Sa halagang  P2,500 hanggang P3,000, naibubugaw nila ang mga Pinay sa mga foreigner, kasabwat ang mga bugaw na tour guide at bugaw na mga mama-san at floor managers.

(By the way Kernel Ortilla, naunahan pa pala kayo ng NBI sa pag-raid sa Starfleet Club. Nakatulog po ba kayo sa pansitan?)

Ang operasyon ng 12 number games, EZ-2, Suertres, loteng at mga puesto pijong horse racing bookies ay nagkalat pa rin sa iba’t ibang barangay sa siyudad ng Pasay.

Kahit ipagtanong pa ninyo kay Lan Tsiaw Bing Lintekson, namamayagpag ang mga 1602 operator na sina Kabo King Roger Palengke; Boy Korkwera ng Makati at kay Cabo Juancho ng Cartimar.

Ang ilan butas ng horse racing bookies sa Pasay ay nakalatag pa rin sa kalye P. Dandan, G. Villanueva, Flores-Tramo, Manapat, Tramo, EDSA 3 mula sa kanto ng Tengco, Tramo, Sandejas, Cuenca, Salud at Cuyegkeng streets

Kernel Ortilla, baka walang maniwala sa ‘yo kung sasabihin mo na wala kang alam sa 1602 operation sa Pasay City!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *