Tuesday , April 15 2025

Almendras isinugo ni PNoy sa HK (Para sa hostage crisis closure)

ISINUGO ni Pangulong Benigno Aquino III si Cabinet Secretary Rene Almendras sa Hong Kong kamakalawa ng gabi upang masungkit ang inaasam na “closure” sa isyu ng 2010 Luneta hostage crisis.

“Wala akong konkretong impormasyon hinggil sa itinerary ni Secretary Almendras. Ang batid ko lang at batid din natin, siya ang inatasan ng ating Pangulo na maging point person sa bagay na ito, at ang ating nais ay makatamo tayo ng mutually satisfactory conclusion,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr.

Umaasa rin aniya ang Palasyo na ang inisyatiba ni Manila Mayor Joseph Estrada, kasalukuyang nasa Hong Kong, ay makatutulong sa pagsusumikap ng national government na makamit ang “closure and mutually satisfactory conclusion” sa naturang usapin. Tumanggi si Coloma na magbigay ng detalye kaugnay sa misyon ni Almendras sa Hong Kong.

“Sa ngayon ang maaari kong ibahagi sa inyo ay ‘yung puspusang pagsisikap ng ating pamahalaan na matamo na ‘yung closure at ‘yung mutually satisfactory conclusion. Tinitiyak ko sa inyo na lahat ay ginagawa para matamo ito,” ani Coloma.  (R. NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *