Tuesday , December 24 2024

Aksyon vs Victory Liner, bitin ba? at kotongan sa Lucena!

KUNG ————-paglilinis lang naman sa imahe ng PNP – HPG ang pag-uusapan, diyan tayo saludo kay Chief Supt. Arrazad Subong. Sa kanyang pamunuan ay walang puwang ang tawali kaya ilag sa kanya ang ilang miyembro ng HPG lalo na ang mga matatakaw sa lasangan.

Pero sa kabila ng lahat tila’y hinahamon si Subong ng ilan niyang matitigas na tauhan partikular na itong nagkalat sa highway ng Lucena City sa lalawigan ng Quezon.

Kamakailan, nakatanggap tayo ng sumbong mulang mga drayber ng bus at trak na biyaheng Bikol na dumadaan sa Diversion Road ng Lucena. Matindi daw ang kotongan dito at ang mga masisibang tumitira sa mga drayber kasama ang kanilang among mangangalakal ay ilang tauhan ng HPG na dumidiskarte sa Diversion Road.

Bawat trak na may dalang kalakal mulang Bikol papuntang Maynila ay tinitira ng P3,000 pero kung minsan naman ay nakukuha raw sa pakiusap lamang, bababa lang ang “presyo” sa P1,000 hanggang P2,000.

Nang bigyan – daan natin ang reklamo, hanggang ngayon ay wala pa tayong nababalitang aksyon ang pamunuan ng HPG PRO 4A hinggil dito maging kay Subong.

Infairness baka hindi pa nakararating ito sa kaalaman ni Subong. Pero naniniwala tayo na kapag ito ay mababatid ni Subong, kanyang aaksyonan ang reklamo at ang mga ‘tadong HPG sa Dirversion Road ay tiyak na may paglalagay sa mga ito. Malamang na hindi lang sila kakasuhan kundi malaki ang posibilidad na itatapon ni Subong sa Kamindanawan ang mga kotongerong HPG.

Ngayon ba’t nating tatalakayin uli ang reklamo?

Una’y nakatanggap uli tayo ng sumbong – hindi lang isa kundi sa tatlo pang biktima na nakiusap na huwag na natin banggitin ang kanilang mga pangalan. Hindi lang isang beses silang nakotongan kundi dalawa at tatlong beses. Ganyan katindi o katagal na ang “kotong operation” sa Diversion Road ng Lucena.

Tulad ng mga naunang nagreklamo, nakoto-ngan daw sila ng tig P2,000 sa bayolasyong kung ano-anong ipinapataw sa kanila. No choice daw sila kundi magbigay na lamang kaysa maantala ang pagdedeliber nila ng kalakal lalo na’t mga prutas at gulay ang dala nila nang ma-checkpoint kuno sila.

Siyempre, pinayuhan din natin ang mga biktima na mas maigi din kung sdaan ay huwag silang magbigay para matultukan na ang ganitong Gawain bukod sa magsampa sila ng pormal na reklamo.

Lamang, ang sagot sa inyong lingkod ng mga biktima ay baka raw mas lalo silang gigipitin ng mga buwaya.

Gen. Subong, tulad nga ng nabanggit na kayo ay seryoso sa paglilinis ng mga kotongerong HPG sa highway pero ano itong sumbong. Matindi itong nangyayari sa Diversion Road.

General, paki-tuldukan na po ang katiwaliang ito. Mistulang hinahamon ka ng mga tauhan mo.

***

Florida Lines, sinuspinde ng 6-buwan ng LTFRB. Iyan ang tama. Nag-ugat ng pagkakasuspende ay ang aksidenteng nangyari kamakailan sa Bontoc, Mt. Province. Mahulog ang isa sa bus ng Floridad sa bangin na nagresulta ng pagkamatay ng maraming pasahero at pagkasugat din ng ilan.

Nabuko din ng LTFRB na kolorum ang naaksidenteng bus na pag-aari nga ng Florida.

Kaya hayun, stop operation ang Florida nga-yon bukod sa kinahaharap na kasong kriminal mula sa kanilang mga biktima.

Ngayon Victory Liner naman ang mainit – ito ay makaraang maaksidente ang kanilang isang bus nitong Lunes na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa pasahero.

Kaya, hayun kinabukasan (Martes) sinuspende ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 42 bus ng Victory na biyaheng Sta Cruz, Zambales – Manila.

Tamang desisyon uli iyan ng LTFRB.

Pero bakit ang mga bus sa nasabing ruta lang ang nasuspende, hindi ba dapat lahat tulad ng ginawa sa Floridad Bus Lines.

Ops may reklamo pa laban sa Victory, isang nasagasaan ng bus nila sa San Manuel, Tarlac ay kanila raw pinabayaan. Namatay daw ang biktimang si Benito Paulo, 77. Abangan.

***

Para sa inyong sumbong, reaksyon at panig, magtext o tumawag sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *