Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

51-anyos Pinay nurse pinatay ng 24-anyos Kanong BF

BINARIL at napatay ang 51-anyos Filipina nurse ng kanyang 24-anyos boyfriend nitong Linggo sa Clearwater, Florida.

Si Josephine Austria ay nagdiriwang ng birthday party sa kanilang bahay nang barilin ng kanyang boyfriend na si Alexander Richardson, dakong 1 a.m.

Ayon sa pulisya, si Austria ay idineklarang dead on arrival sa ospital.

Si Richardson ay inaresto sa kasong second degree murder. Siya ay sinampahan din ng kasong “operating a firearm under the influence of alcohol,” ayon sa mga awtoridad.

Inihayag ng pulisya, si Richardson ay nagtungo sa kalapit na gas station at iniulat ang insidente ng pamamaril at pagkaraan ay inamin na binaril niya ang kanyang Filipina girlfriend.

Gayonman, hindi pa malinaw ang motibo sa krimen.

Si Richardson na ka-live-in ni Austria, ay ikinulong sa Pinellas County Jail.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …