Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 jaguar ng resort patay sa holdaper

CAUAYAN CITY, Isabela – Dalawang security guard ang patay makaraan barilin ng hindi nakilalang armadong kalalakihan na nangholdap sa resort sa Cansan, Cabagan, Isabela, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Manuel Bringgas ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), ang napatay na mga gwardiya ng Hardrock Resort na sina Joselito Haval, re-sidente ng Lingaling, Tumauini, at Baltazar Morillo, residente ng Cubag, Cabagan.

Sa imbestigasyon ng Cabagan Police Station, magsasara na ang resort dakong 9:15 p.m. nang biglang sumulpot ang armadong kalalakihan.

Tinutukan nila ng baril ang da-lawang security guard at ilan pang empleyado sa nasabing resort.

Pagkaraan ay pinagbabaril ang dalawang gwardiya saka pinuntahan ang cashier ng resort na inutusan nilang dumapa at tinangay ang hindi pa malamang halaga ng pera.

Kinuha rin ng mga holdaper ang service firearms ng dalawang pinatay na gwardiya.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …