NAILIGTAS ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 19 guest relations officer (GRO) kabilang ang anim na dayuhan, na hinihinalang nagbebenta ng aliw sa isang club sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Pasay City Police, sinalakay ng NBI, Anti-Trafficking Division at DSWD ang Starwood VIP Lounge, nasa Gil Puyat Avenue, dakong 2:00 a.m. kahapon.
Na-rescue ang 13 Pinay, 3 Russian at 3 Ukranian na sinasabing sex workers sa naturang club.
Sinabi ng mga awtoridad, ito ang kauna-unahang pagkakataon naka-enkwentro sila ng club na may mga dayuhan na nagtatrabaho bilang GRO sa nasabing bar na dating nasa Makati na inilipat sa Pasay. Napag-alaman, na P1,500 ang bayad para sa pagla-lap dance ng walang saplot at P8,000 hanggang P10,000 kapag kasama ang babae sa VIP room.
(JAJA GARCIA)