Friday , November 15 2024

Personal na laban vs droga

NAKAAALARMA na ang pag-abuso at bentahan ng ilegal na droga sa bansa at hindi na tamang isipin ng mga Pilipino na ang gobyerno lang ang dapat na namomroblema rito.

Mula sa patuloy pang dumarami na 103 milyong Pinoy, may ilang milyon ang determinadong karerin ang ipinagbabawal na gamot. At dahil malinaw na inutil ang mga batas tungkol sa ilegal na droga, daan-libong pasaway na bata ang susubok mag-marijuana, shabu o designer drugs sa unang pagkakataon hanggang sa malulong na sila rito o maging irreversible addicts.

Ang siste, bigo ang mga pagsisikap ng gobyerno na masawata ang bentahan at paggamit ng ilegal na droga kaya ‘andyan pa rin ang problema. Kaya naman naniniwala ang kolum na ito na panahon nang ang lahat ng mamamayan, na nananatiling buo ang moral values, ay magsama-sama at gawing personal ang laban sa problemang ito.

Kung buong giting lang na magkukusa ang bawat isa sa pagkilos tuwing may pagkakataon, gaya ng pagsasaway sa mga batang palaboy na minsan ay nag-aagawan pa sa pagsinghot sa plastic na may rugby o pagtangging sumakay sa mga tricycle o jeep na ang driver ay hindi maipagkakailang bangag, siguradong mababawasan ang problema at maisasalba ang maraming buhay mula sa pagkawasak, kabilang ang mga nabibiktima ng mga bangag sa droga.

Dahil napakalawak ng baybayin ng Pilipinas, na pahirapan ang epektibong pagpapatrolya, naging paborito nang gateway o transhipment point ang Pilipinas ng bilyon-bilyong pisong halaga ng ilegal na droga na inilalako sa Asia, Americas at Europe.

Ang ating pulisya, partikular ang mga drug enforcement agent, ay nakaaresto na ng maraming dayuhang nagbibiyahe ng droga at nakakumpiska na ng tone-toneladang ilegal na droga, gaya ng shabu, cocaine at marijuana sa nakaraang mga taon. Sa kabila nito, patuloy na nakalulusot ang mga bagong courier at trafficker sa ating seguridad dahil sa napakalaking kita sa pagbibiyahe at pagbebenta ng ilegal na droga. Sinasabing ang kita mula sa bentahan ng ilegal na droga ay inaabot ng 900 o 1,000 porsiyentong doble ng gastusin sa produksiyon.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *