Tuesday , December 24 2024

Magallanes ‘minahan’ ng MMDA enforcers!

MASASABING bumaba na ang bilang ng holdapan sa mga pampasaherong bus na bumabagtas sa EDSA – mula Taft Avenue, Pasay hanggang Monumento, Caloocan City. Hindi lamang sa EDSA kundi maging sa ilan pang pangunahing highway sa Metro Manila na dinaraanan ng mga PUB at ng mga truck.

Hindi tulad noon, halos araw-araw o gabi-gabi umaatake ang mga holdaper na nagpapanggap na pasahero pero ngayon ay kapansin-pansin na bibihira nang tumitira ng mga bus ang mga kampon ni satanas.

Ito ay bunga ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) – paglalagay ng mga bus marshal sa mga pampasaherong bus. Marami na rin iba’t ibang grupo ng holdaper ang nabuwag nang magtanim ng marshal sa mga PUB. May mga napapatay pa ngang holdaper at may napapatay din mga pulis kapag may nangyayaring enkuwentro.

Pero ano pa man, nalalagasan man paminsan-minsan ang pulisya, tuloy pa rin ang kampanya laban sa mga kriminal sa sumasampa sa mga PUB sa EDSA at mga pangunahing lansangan ng MM. Hanggang ngayon mga suki ay pinaiiral ang kampanya at hindi ito lingid sa kaalaman ng iba’t ibang grupo ng holdaper.

Pero ano itong sumbong na nakarating sa inyong lingkod na nagkalat pa rin ang mga holdaper sa EDSA at pangunahing highway. Oo nakauniporme pa nga raw ang karamihan sa kanila.

Ops hindi mga pulis ang tinutukoy natin kundi ang inirereklamo ay ilan sa tauhan ni MMDA chairman Francis Tolentino. MMDA traffic enforcers? Tama! Abusado raw ang ilan sa mga ‘tado sa kabila ng ginagawang paglilinis ni Tolentino sa imahe ng MMDA lalo na nga sa hanay ng mga enforcer na madalas nairereklamong nangongotong.

Partikular na inirereklamo sa inyong lingkod ang ilan sa mga MMDA na paboritong umistambay sa Magallanes. Ang lugar ay paborito ng mga holdaper na MMDA este hunghang pala dahil minahan daw ito. Ha! Minahan? Oo kasi daanan din ito ng mga bus at ng mga truck.

Yes ang mga truck at bus ang ginagawang minahan ng ilan sa tiwaling MMDA enforcers.

Bawat pagpapatabi at paninita sa mga sasakyang nabanggit lalo na sa gabi, nagiging hayahay na raw ang buhay ng mga tiwali. Paano atik na raw kasi ang kapalit ng bawat pagkumpas nila sa pagpapatabi.

Wala naman traffic violation na nilalabag ang mga driver pero pinatatabi sila. No choice raw ang mga drayber kundi tumabi. Hayun kung ano-anong binabanggit ng mga ‘tado na violation pero ‘yon pala kokotongan lang ng P500 hanggang P1,000 ang mga driver ng naglalakihang truck.

Napipilitan na lamang magbigay ang mga driver para matapos na ang lahat – para hindi na sila maantala sa lakad.

Kung susuriin, masasabing ang mga driver ay may pagkukulang sa insidente. Ibig kong sabihin, kung talagang wala silang violation ‘e ‘di huwag silang magbigay sa halip ay ilaban nila ang dapat. Ang nangyayari kasi, para hindi sila maantala kahit na alam naman nilang wala silang violation, hayun pinagbibigyan nila ang mga tado. Ang dapat ay huwag. Lumalabas tuloy na ang gumawa ng kanilang sariling multo ay ang mga driver. Kaya tuwang-tuwa naman ang mga mangongotong.

Pero ano pa man, Tserman Tolentino, paki-aksyonan po ang reklamo. Sayang lang ang dugo’t pawis na itinataya ninyo araw-araw para patinuin ang inyong tanggapan. Pilit ninyong itinutuwid ang MMDA pero kinokontra naman ng ilan ninyong hunghang na enforcer na umiistambay sa Magallanes.

***

Para sa inyong sumbong, komento, suhestiyon at panig, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *