EVERYTIME na malaki ang shortfall sa revenue collections ng Bureau of Customs ang madalas na sinisisi ay mga smuggler.
Pero sa panahon ngayon na ipinatutupad ang reporma sa BoC, marami nang mga illegal shipment ang nasakote at na-seizure sa loob ng 6 na buwan.
Ang tanong ko lang naman, nasaan ang legitimate importers na sinasabing makatutulong sa problema ng revenue collections? May dumarating pa bang legitimate importation at kung mayroon man tila not enough to help customs sa kanilang collection?
Hindi naman kaya may importers na pasok na rin sa smuggling? Ibinibigay na lang ang kargamento sa mga smuggler na malaki ang kanilang matitipid?
Sa panahon ni Commissioner Ruffy Biazon, maraming naging ‘ALIBI’ o palusot sa shortfall collection ng BoC.
Ano naman kaya ngayon ang ‘ALIBI’ nila?
Ricky “Tisoy” Carvajal