Tuesday , December 24 2024

1 patay, tserman, 9 pa sugatan sa 2 sunog (4,000 pamilya homeless)

MAHIGIT sa tatlong 4,000 pamilya ang nawalan ng tirahan habang isa ang patay at 10 ang sugatan, kabilang ang isang barangay chairman,  nang tupukin ng apoy ang kanilang mga tirahan sa magkahiwalay na sunog sa  Caloocan at Malabon, kamakalawa.

Sumiklab ang sunog  dakong 5:00 p.m.  kamakalawa ng hapon sa Maria Clara St., 2nd Avenue East, BMBA Compound Brgy. 120 Caloocan City, na itinaas sa Task Force Delta dakong 7:00 p.m.

Sa ulat, patay ang isang Ricky, 46-anyos, ng nasabing lugar, habang nalapnos ang katawan nina Cristina Navarro, Lea Cua, Alan Pineda at Brgy. 120 Chairman Antonio Duran,  na pawang nahirapan din huminga dahil sa kapal ng usok.

Tinatayang 3,000 pamilya ang apektado ng sunog  na umabot sa mahigit limang oras bago naapula na sinasabing nagmula sa bahay ng isang Jojo Esperida hanggang madamay ang mga kalapit na Barangay 118 at 119.

Nagresponde ang mga bombero pero  nahirapan silang makapasok sa lugar dahil sa sikip ng mga kalsada.

Samantala,  sumiklab ang isa pang sunog dakong  12:30 a.m. sa Perez St., Brgy. Tonsuya, Malabon City na naapula  dakong 5:00 a.m.

Kinilala ang mga sugatang sina Virginia Baldebiso, 66; Domingo Baldebiso, 67; Antonio Sidayon,76; Severino Trempo, 70; Janno Criss Baldebiso, 22; Rinty Marquez, 19-anyos at isa ang nawawala na pinaniniwalaang lumubog sa maburak na ilog nang tumalon doon  dahil sa takot.

Dalawandaang kabahayan ang naabo at mahigit sa 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan at ari-arian.

Samantala, naabo ang ilang tindahan ng mga surplus appliances malapit sa Gate 4, Port Area, Maynila, iniulat  kahapon.

Ayon kay Fire Inspector Generoso Juico, sub-station commander ng Arroceros Fire Station, nagsimula ang sunog dakong 11:30 a.m. sa  tindahan ng mga second-hand refrigerators sa  Roberto Oca St., Port Area.

Sinabi ni Juico, sa shop ng isang kinilala sa pangalang Rashid, nagsimula ang apoy at gumapang  sa mga kalapit na establisyemento  sa pagitan ng Philippine  Red Cross (PRC) annex at  Manila Police District Traffic Enforcement Unit.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at nakontrol dakong 12:19 p.m. Hindi pa batid ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

(ROMMEL SALES/ LEONARDO BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *