ISANG ‘gambling queen’ pala d’yan sa CALOOCAN ang walang kahirap-hirap na nakapasok bilang staff ng opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa siyudad.
Kung dati ay patambay-tambay lang siya sa police headquarters ngayon ‘e pasok siya sa staff ni hepe.
Isa na siyang ‘sikwatary’ este secretary.
Ultimo si Caloocan City Mayor Oca Malapitan e napaikot ni ‘sikwatary’ este video karera secretary nang paluin ng maso sa harap ng media ang mga nabubulok nang video karera machine.
Kumbaga, kahon lang, walang laman at walang piyesa.
Kontodo hataw pa si Yorme Malapitan pero alaws palang bilang.
Sonabagan!
E ano ba talaga VK QUEEN sikwatary?!
Caloocan PNP Chief Senior Supt. Bernard Tambaoan, totoo bang ikaw ang ‘sinasandalan’ ni VK QUEEN OYIE at hinihiraman niya ng kapal ng mukha kaya naman super sa tigas ang kanyang sikmura?!
Pakisagot lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com