Friday , November 15 2024

We’re friends…walang date na naganap with my folks — Derek on Kris

ni  Reggee Bonoan

INAMIN ni Derek Ramsay sa ginanap na pa-presscon sa kanya ni Mother Lily Monteverde noong Huwebes na hindi niya nagustuhan ang isyung ginagamit niya si Kris Aquino para pag-usapan siya.

Nag-umpisa raw ang isyu nang may makakita sa kanila ni Kris sa NAIA Terminal 2 ilang linggo na ang nakararaan at sumakay nga raw ang Queen of All Media sa kanyang sports car.

Sabi ni Derek may pinanggalingan siya ng araw na iyon at si Kris ay galing daw sa ibang bansa at hindi niya sinundo or something ang TV host.

“We’re friends, we’re very good friends and not just to me, she’s a friend of the family. I just wanna clear, walang date na naganap with my folks, my father. He went over to her house to do a free survey of the modification of her security coz that’s our business.

“And that was the day of my parents’ anniversary, and my dad enjoys Kris’ company. She’s very entertaining, she’s very nice to talk to, and she’s really a real friend.

DEREK’S FATHER INVITED KRIS

“And my father invited Kris to Club Mwah because my dad loves Club Mwah and that’s where they were going to spend their 40th anniversary. Pero hindi naman nakasama si Kris.

“I’m the one who has a friendship with Kris, so I know kung ginagamit ako.

“From the help and advice that Kris has given me, kung ano ‘yung mga ipinakita niya sa akin, hindi ako maniniwala na ginamit niya ako.

“I respect that she knows my family and she’s not that type of person.

“Nag-comment ako na, ‘You really have a big heart for your friends.’ I mean what I said.

HINDI AKO GINAGAMIT NI KRIS

“I don’t feel like I’ve been used. She’s Kris Aquino, she has everything.

”It kind of hurts na every time I’m linked with somebody, it’s always that I’m using them.

“And para sa akin I’ve worked hard naman in this industry, I think I’ve (prove) you know, given naman a lot to get to where I am.

“It’s not that nanggagamit ako ng tao para makarating ako kung saan ako ngayon. So, ‘yun lang. Medyo naano lang ako na may mga sinasabing ginagamit ko siya,” mahabang paliwanag ni Derek.

MORE PRIVATE NA SA LOVELIFE

Dahil sa pagkaka-link ni Derek kay Kris ay inamin niyang, “I’m seeing someone now.

“(But) I promised myself na when it comes to my love life, I wanna be more private. I mentioned that to everybody before.

“I want to keep that to myself because I’m getting older. I’m at the part of my life when I have to find the right one.

“I will keep this to myself for now, to be honest with you.

“But to talk about if masaya ang puso ko, yes, masaya ang puso ko.

”For me, I just wanna be more private to stuff like that.

“I was like that in the beginning but you guys, all know that I am an open book.

“If you ask me a question, I always answer.

“This part, gusto ko lang na maging mas private,” pahayag ng aktor.

MOVIE WITH KRIS AND MARIAN

Kaso, may gagawing pelikula sina Kris at Derek sa Regal, ayon sa plano ni Mother Lily Monteverde at manager ng aktor na si Jojie Dingcong na kung magkakasundo sa schedule ay isasali nila sa Metro Manila Film Festival 2014 kaya tiyak na may makukulit pa ring iuugnay sila.

Saad ni Jojie kay Mother Lily, “tutal Horror Queen naman si Kris, puwede, puwedeng gawin ang ‘Shake, Rattle and Roll’.”

May plano ring kunin sina Kris at Derek ng Unitel at sa katunayan ay gustong makipag-meeting ni direk Erik Matti sa dalawa.

For the record ay may offer ng indi film kina Derek at Kris bago pa ang Regal at Unitel ang tungkol sa Maguindanao Massacre pero hindi pumuwede ang Kris TV host kaya hindi ito natuloy.

THE AMAZING RACE PHILIPPINES:  BIYAHENG ASYA

Samantala, dalawang pelikula ang pinirmahang kontrata nina Derek at Jojie sa Regal Entertainment kasama sina Mother Lily at anak nitong si Roselle Monterverde-Teo.

Wala raw kaso ang pagpirma ni Derek sa ibang movie outfit dahil hindi raw siya eksklusibo sabi ng manager nitong si Jojie. Tatlong pelikula pa raw ang gagawin niya sa Viva Films.

At si Marian Rivera ang makakapareha ni Derek sa unang pelikula nito sa Regal at excited ang aktor dahil mabait daw ang aktres.

At sa telebisyon naman ay muling mapapanood si Derek sa ikalawang season ng The Amazing Race Philippines: Biyaheng Asya sa TV5 sa Agosto 2014.

About Reggee Bonoan

Check Also

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher …

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *