Monday , December 23 2024

Laptop bawal sa Bar exam-SC

HINDI  pinayagan  ng  Korte Suprema ang paggamit ng laptop sa panahon ng Bar Examinations.

Sa en banc resolution noong April 1, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang kahilingan  ng isang  Cora C. Amarga na pahintulutan  ang paggamit ng laptop ng mga examinee.

Paliwanag ng SC, walang balido at walang kapani-paniwalang dahilan  upang  pagbigyan  ang petisyon ni Amarga na naglalayong magamit ang mga laptop sa pagsagot sa mga tanong sa pagsusulit.

Hiniling ni Amarga na sa 2014 Bar Examinations ay payagan ang mga examinee na makagamit ng laptop sa pagsagot sa mga tanong sa  kanilang pagsusulit.

“The court resolved, upon the recommendation of the Office of the Bar Confidant, to deny the present petition of Cora C. Amarga for permission to use a laptop for answering the 2014 bar examinations, there being no valid and convincing reason to grant the same,” bahagi ng  resolution na linagdaan ni Atty. Enriqueta Vidal.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *