AKALA natin e tuluyan nang tumigil ang jueteng sa Taguig at Parañaque.
Hindi pa pala.
Tuloy pa rin ang jueteng sa dalawang lungsod na ptotektado ng mga kolek-TONG. Talagang matigas ang mga operetor ng JUETENG sa Parañaque at Taguig,
Bukod sa jueteng ‘e mayroon pang isang pulis-Taguig na alyas “Nonong C” ang nangangasiwa sa isang horse-race bookie joint, “loteng” at jueteng.
‘Yang Nonong C, ang kilalang protektor ng video karera operations sa lungsod. Isang big-time gambling operator din ‘yung alyas Jake Duling.
Ito raw si Jake Duling ay masyadong malakas sa isang Col Sam.
Habang ang isang Sgt. John M., isa pang pulis ang sangkot sa negosyo ng video karera, si Jun Laurel, ang nagkalat ang mga makina sa buong Taguig.
Hataw rin ang jueteng ni JOY sa Parañaque. At wala raw bukambibig si Joy Jueteng kundi ‘pasok’ na raw siya sa Office of the Mayor!?
Alam mo ba ‘yan Mayor Edwin Olivarez? Kung hindi ay pakitanong na lang kay Tata Rolly!
Sa mga chief of police at district directors ng mga nabanggit na lugar, payong kaibigan lang po, huwag kayo magpabukol!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com