Saturday , February 22 2025

8 patay, 14 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan

DAVAO CITY – Patay ang walo katao, kabilang ang isang sanggol, habang 14 ang sugatan sa banggaan ng apat na sasakyan sa bahagi ng Ma-a Diversion road  dakong 8 p.m. kamakalawa.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck kaya nabangga ang mga sasakyang sinusundan kabilang na ang puting Tamaraw FX na may lulang 15 katao.

Kinilala ang mga namatay na sina Rexie Alie, 6; Sian Roncal, pitong-buwan gulang; Joselito Baogbaog; Teresita Sura Baogbaog; Nita Baogbaog Bete; Estela Lina Baogbaog; Junior Serenta, at isang hindi pa nakikilala.

Habang ang mga sugatan ay sina Jake Lagada, Rosalina Bout, Sofia Baogbaog, Justine Bete, Marjorie Ali, Anthony Ali, Michele Lagarda, Raprap Ali, Wina Bout, Estella Santa Garda, Epefania Alforque, Reynaldo Ali, Jay Baogbaog at Jeffrey Binasbas.

Nabatid na ang mga biktima ay pawang nakatira sa Awhag Subdivision, Bacaca Road, Davao City.

Agad sumuko sa Tolomo Police Station ang driver ng truck na si Kim Canque at inaming nawalan ng preno ang kanyang minamanehong sasakyan.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property ang isasampa sa driver ng truck.

Napag-alaman, ang mga sakay ng Tamaraw FX ay mula sa birthday party at pauwi na sana nang maganap ang insidente.

Ang nagsalpukang mga sasakyan ay kinabibilangan ng 10-wheeler truck (TND 896), Tamaraw FX (LCG 552), trailer truck (MGB 622), at XRM motorcycle na may plate number AL 56.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Bureau of Immigration BI National Bureau of Investigation NBI

BI, NBI hinimok pabilisin deportasyon ng dayuhang POGO ex-workers

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation …

Koko Pimentel Sara Duterte Chiz Escudero

Para kay SP Chiz Escudero
Caucus ng mga senador para sa impeachment complaint vs VP Sara isinusulong ni Koko

INAMIN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na nakatakda siyang magpadala ng isa …

Nagpanggap na pulis HIT AND RUN TIMBOG KUSH CANNABIS OIL

Nagpanggap na parak
BEBOT HIT AND RUN TINAKASAN, TIMBOG SA KUSH, CANNABIS OIL

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng nagpanggap na pulis nitong Martes, 18 Pebrero, matapos …

P8.8-M SHABU MAKATI freeze-dried durian

Idineklarang freeze-dried durian
P8.8-M SHABU NASABAT SA MAKATI

DALAWA katao ang arestado matapos makompiska mula sa kanilang pag-iingat ang tinatayang P8.8 milyong halaga …

022125 Hataw Frontpage

Lahat ng outpatient emergency cases covered na ng Philhealth

INIHAYAG ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kahapon, Huwebes, 20 Pebrero 2025, sakop na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *