LEGAZPI CITY – Hindi nakapalag ang Chinese national at dalawang minero sa pagsalakay ng mga awtoridad sa drug den sa isang minahan na sinasabing ‘pinaglulutuan’ ng droga, sa bayan ng Aroroy, lalawigan ng Masbate.
Kinilala ang mga suspek na sina William Uy, 51; Tony Locsin, 67, at Benjamin Laguno, 65.
Ayon sa ulat ng pulisya, matagal nang minamanmanan ang minahan dahil sa illegal na operasyon.
Narekober sa lugar ang iba’t ibang gamit sa paggawa ng droga. Pinaniniwalaang sangkot sa big time na operasyon ang mga suspek base na rin sa nakuhang mga kagamitan.
(LAYANA OROZCO)