BAHAGYANG maiibsan ang epekto ng tag-init
Dahil sa inaasahang pagpasok sa loob ng Philippine area of responsibility ng bagyong “Domeng” na may international name na Peipah, partikular sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon kay Pagasa forecaster Gener Quitlong, inaasahang mararamdaman sa ilang mga lugar ang mga pag-ulan dulot ng tropical depression, habang patuloy ito sa paglapit sa kalupaan.
Batay sa forecast track ng weather bureau, inaasahang tatama ito sa kalupaan ng Caraga region sa Martes ng gabi at tatawid ng Cebu-Mactan bago lalabas sa Western Visayas area.
Kaugnay nito, mahigpit na pinapayuhan ang mga mangingisda sa sila-ngang bahagi ng Visayas at Mindanao na iwasan muna ang pumalaot dahil sa inaasahang epekto ng bagyo.
Samantala, huling namataan ang weather disturbance kahapon ng tanghali sa layong 1,275 kilometro sa silangan ng General Santos City, taglay pa rin ang maximum sustained winds na 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph. (KARLA OROZCO)