KORONADAL CITY – Nagpalabas ng 30-days suspension order ang sangguniang panlalawigan ng North Cotabato laban kina Mayor Romeo Araña at Vice Mayor Abeth Gardugue dahil sa administrative cases.
Ayon kay Board Member Joemer Cerebo ng North Cotabato, ipinalabas ang resolusyon makaraan magreklamo ang isang private contractor laban kina Araña at Gardugue dahil sa sinasabing sa maanomalyang pagpapatayo ng public market sa naturang bayan.
Ayon kay Cerebo, lumalabas sa imbestigasyon ng komitiba na hindi sumunod sa government requirements ang contractor ng proyekto at ang may-ari raw nito ay ang pamilya ng naturang alkalde.
Dahil dito, ipinatupad ang suspension order laban kay Mayor Araña at Vice Mayor Garduque, habang wala pang resulta ang isinasagawang imbestigasyon.
Samantala, umupo na sa pwesto si Ist Municipal Councilor Morata Mantil bilang OIC mayor ng Midsayap.
Pansamantala ring uupo bilang OIC vice mayor si Councilor Rogelio Yee. (BETH JULIAN)