Thursday , November 14 2024

Most wanted huli sa ‘selfie’

CEBU CITY – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa kinikilalang most wanted sa lalawigan ng Cebu makaraan matunton ang kinaroroonan dahil sa “selfie post” sa Facebook.

Ayon kay Senior Insp. Romel Luga, hepe ng Station 6 ng Mandaue City Police Office, natunton nila ang most wanted sa batas na si Niño Cueva, 20, habal-habal driver, at residente ng Brgy. Casili, lungsod ng Mandaue, Cebu, makaraan matukoy ang background ng “selfie photo.”

Ayon kay Luga, ang “selfie photo” ay may background na isang malaking rebulto ng Shrine of Our Lady of the Miraculous Medal na matatagpuan sa Brgy. Lapaz, syudad ng Bogo, Cebu.

Dahil dito, nakipag-ugnayan agad ang mga pulis ng Mandaue City sa Bogo City Police Office para maisilbi ang warrant of arrest sa kasong abduction with rape in relation to Republic Act 7610 o child abuse law.

Batay sa record ng kaso, noong Mayo 2012 ay naging pasahero ng suspek ang biktimang high school student na pauwi sa kanilang bahay, ngunit imbes ihatid ay dinala ng salarin ang dalagita sa liblib na lugar at doon ginahasa.

Dinala na sa Mandaue City Police Office ang suspek mula sa Bogo City.

(KARLA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *