INIHAYAG ng mga siyentista sa Estados Unidos, nakapag-develop sila ng pabango na maaaring maging pangontra ng mga tao sa mga zombies.
Binuo ng American Chemical Society ang pabango sa prinsipyo na ang mga zombies ay naaakit sa amoy ng mga buhay.
Nilikha nila ang Eau de Death na taglay ang putrescine, cadaverine at methanethiol na nagdudulot ng amoy na kahalintulad ng bulok na itlog at nilagang cabbage.
Ito ay ideya ni Raychelle Burks, chemistry post-doctoral fellow sa Doane University sa Nebraska, nagsabing naging inspirasyon niya rito ang first season ng “The Walking Dead”.
Sa isang episode, nagtadtad ng bangkay ng tao si Guts, at idinikit ito sa kanyang buong katawan upang matakpan ang kanyang sariling amoy.
Sinabi ni Ms Burks sa ABC News: “As a chemist, my thought was there’s a better way. There’s a cleaner way and cheaper way.
“I can vouch that the chemicals, especially putrescine and cadaverine, they really do live up to their name.”
Gayunman, sinabi ni Ms. Burks na batid niyang wala talagang zombies ngunit ang proyekto ay “a good way to get people to listen to a science talk”. (ORANGE QUIRKY NEWS)