Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lolo kalaboso

SWAK sa kulungan ang 56-anyos lolo dahil sa reklamong paulit-ulit na panggagahasa sa isang tinderang menor de edad, sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Francisco Capati, 56, ng Sabalo St., Brgy. 14, nahaharap sa kasong rape in relation to Republic Act 7610.

Sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) naganap ang panggagahasa dakong 4:50 p.m. kamakalawa, sa loob ng bahay ng suspek  sa nasabing lugar.

Salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Rachelle, 13-anyos, tindera ng samo’t saring kutkutin,  tinawag siya ng suspek para bumili ng mani kaya pinapasok siya sa loob ng bahay.

Pagpasok pa lamang ay bigla siyang hinatak ng suspek saka sapilitang hinubaran hanggang magtagumpay na mailugso ang puri ng biktima.

Ayon sa biktima, nagbanta ang suspek na may mangyayaring masama kapag hindi pumayag sa gusto niya kaya ilang ulit pa siyang pinagparausan ng matanda.

Nang makaraos ang matanda,  pinayagan na siyang makaalis saka inabutan ng P200 at pinagtabuyan kaya agad nagsumbong sa kanyang mga kaanak ang biktima at agad ipinaaresto ang suspek.  (rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …