Monday , December 23 2024

Aso ‘sinaniban’ nangagat ng 7 katao

BACOLOD CITY – Pinaniniwalaan sinaniban ng masamang espirito at hindi naulol ang isang aso makaraan sunod-sunod kagatin ang pito katao sa lungsod ng Bacolod, kahapon ng madaling araw.

Umatake ang aso dakong 2 a.m. sa Brgy. 2 at 6 sa lungsod ng Bacolod at kinakagat ang sino mang tao na nakasasalubong sa daan o sa labas ng kanilang bahay.

Ayon sa isang biktima na si Robert Natalio, kakaiba ang kilos ng naturang aso kung ihahambing sa asong ulol dahil nagbabaga ang mata nito.

Aniya, ang asong ulol ay tumatakas matapos makakagat ng biktima at umuungol kapag nasaktan, taliwas sa nambiktima sa kanila na matagal bitiwan ang kanyang kinakagat.

Napag-alaman, matapos makakagat ng pito katao ay napatay rin ang aso nang hampasin ng bakal sa ulo.

Ang aso ay palaboy lamang ngunit pinapakain ng isang Fatima Cubias ng Brgy. 2 kapag pumupunta sa kanilang bahay kaya nasanay na itong pumunta sa kanilang lugar.

(KARLA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *