Saturday , November 16 2024

Aresto vs 3 Senador kasado

AARESTOHIN sina Sens Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, at ibang personalidad kapag isinampa na sa Sandiganbayan ang mga kasong may kinalaman sa P10-B pork barrel scam.

Tinalakay ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa press briefing sa Palasyo ang tatahaking roadmap ng mga kasong may kaugnayan sa pork barrel scam makaraan ilabas ng Ombudsman ang resolution kamakalawa, at kabilang rito ang pagdakip sa mga akusado bago litisin ang mga kaso ng anti-graft court.

“Upon evaluation of the information and the records of the case, the Court will issue warrants of arrest. Hindi po sa akin nanggaling ang pangungusap na ito. Ayon po ‘yan sa batas,” ani Coloma.

Binigyang diin niya na ang proseso tungo sa pagdakip sa mga akusado ay nasa kamay ng Sandiganbayan at iginagalang aniya ng Palasyo ang pagiging hiwalay at indipendyenteng sangay nito ng pamahalaan.

Nasa korte na rin aniya ang pagpapasya kung papayagan na isailalim sa hospital arrest ang mga kausado sa pork barrel scam.

Giit pa niya, bahala na ang Ombudsman kung gaano katagal iimbestigahan ang mga kahalintulad na kaso na kinasasangkutan ng mga alyado ng administrasyong Aquino.

(ROSE NOVENARIO)

OPOSISYON UMANGAL  SA PUBLICIZED  PORK BARREL  SCAM REPORT

PUMALAG ang opposition senators sa Senado sa pagsapubliko ng draft committee report ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Teofisto Guingona III kaugnay ng imbestigasyon sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Ayon kina Sen. Nancy Binay at Sen. JV Ejercito, dapat idinaan muna ni Guingona sa mga miyembro ng komite ang kanyang report bago inilabas sa media.

Binigyang diin ni Ejercito, kapatid ng akusado na si Sen. Jinggoy Estrada, dapat isangguni muna ni Guingona ang kanyang report sa mga kasamahan upang malaman kung sila ay tutol o pabor sa kanyang mga rekomendasyon bago isinapubliko.

Ngunit sinabi ng administration senator na si Sen. Chiz Escudero, hangga’t may lagda ang chairman ng committee ay wala siyang nakikitang mali rito.

Mas mainam aniya ito dahil transparent at walang itinatago ang committee report lalo’t hinihintay ito ng taong bayan.

Nabatid na sa draft committee report na inilabas ni Guingona kamakalawa, pinakakasuhan ng plunder at iba pang asunto sina Senators Estrada, Ramon Revilla Jr., at Sen. Juan Ponce Enrile, gayundin si Janet Lim Napoles at iba pang sangkot sa pork barrel scam.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *