Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SEXtertainment strip at 1602 ng Las Piñas

KUNG ang Pasay at Parañaque ay may Roxas Boulevard na entertainment strip para sa mga babaeng naghuhubad at puwedeng i-”take home” na parang mga pagkaing ‘binalot,’ ipinagmamalaki (o dapat ikahiya) naman ng Las Piñas City ang Alabang-Zapote Road nito.

Sa bahaging ‘yun ng lungsod ay naghilera ang 21 bar at spa (kuno). Ilan sa mga ito ang kunwaring KTVs pero sa totoo lang ay mga lugar ng prostitusyon. Doon ay ubrang mag-”quickie” ang mga kostumer sa mga babae sa loob mismo ng VIP room kung ‘ika nga, e, the price is right. Puwede rin silang mag-order ng mga babaeng “to go” sa halagang P1,000 hanggang P2,000 o higit pa.

‘Di ko maintindihan kung paanong hindi “naaamoy” ng mga tauhan ni Las Piñas PNP Chief Senior Superintendent Adolfo Samala ang naglalansahang babae na animo’y isda sa palengke kung ilako. Masyado ba silang naaakit sa amoy ng bagong imprentang perang papel na ipinapaypay sa kanila na parang abaniko? Sana’y hindi naman.

Kung hindi magawa ng mga tauhan ni Colonel Samala ang kanilang trabaho, puwede kayang utusan ni Chief Superintendent Jose Erwin Villacorte, Southern Police District director, ang mga tao niya na ‘bisitahin’ ang mga nightspot na ito?

Kung mahina ang intelligence (hindi intelihensiya) ng Las Piñas Police, may listahan na ang mga espiya ko ng nightspots sa lungsod. Ito ang Miso (Korean) KTV, Tokyo (Korean) KTV, Arario (Korean) KTV, Kwick Chuk (Korean) KTV, When People Meet KTV, Eastside KTV, Siren KTV, Emma’s KTV, Alma’s KTV, City Town, Kapitolyo, Kabalyero, WJ3, Ten Points, Nam-Nam, Top Agashi, Star Wars, Jindale, Flaming 5, West Bay, Station 1, at Ling Nam Spa, na ang mga masahista ay nagbibigay umano ng erotic massages.

Kasabay nito, dapat na rin sigurong linisin ni Col. Samala ang kanyang pangalan sa publiko dahil masyado na itong dinudungisan ni alyas “Jake Duling,” operator ng saklaan at loteng sa buong Las Piñas.

Lagi niyang ipinangangalandakan ang pagiging magkaibigan nila ni Col. Samala, kaya wala raw puwedeng kumontra sa kanyang mga ilegal na negosyo.

Sana ay namamalik-mata lang si Jake Duling. Sana na lang din ay totoong hindi bulag ang mga pulis-Las Piñas sa kanyang mga negosyo.

Marahil, dapat din alamin ng SPD kung sino ang isangSenior Police Officer 4 John M., na may pa-loteng din malapit sa simbahan ng Iglesia Ni Cristo. Kasosyo niya rin dito si Jake Duling at isang nagngangalang Nancy.

Si SPO4 John M., ba ay ilegalistang nagpulis o pulis na suma-sideline sa ilegal?

Dapat lang imbestigahan ito at kung mapatutunayang totoo ay kasuhan at tanggalin sa serbisyo ang ‘ika nga’y bulok na kamatis.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …