Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapitan, ina pinatay sa Masbate (2 pa sugatan)

LEGAZPI CITY – Patay ang barangay kapitan at ang kanyang ina habang dalawang iba pa ang sugatan makaraan pagbabarilin sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa syudad ng Masbate.

Kinilala ang mga namatay na si Barangay Kapitan Alan Marcos at ina niyang si Purita Marcos.

Ayon sa inisyal na ulat, nabulabog sa magkakasunod na putok ng baril ang mga residente dakong 2:30 a.m. sa Brgy. Igang, lungsod ng Masbate. Pagkaraan ay tumambad sa kanila ang duguang mga biktima.

Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang barangay chairman na pinaniniwalaang siyang target ng mga suspek, kasunod ang kanyang ina.

Kabilang sa dalawang sugatan ang misis ni Marcos na si Analyn.

Bagama’t wala pang resulta ang imbestigasyon ng pulisya, ibinunyag ni Bgry. Kagawad Dominador Manlapas na may personal na kaalitan ang biktima. (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …

Arrest Posas Handcuff

Murder suspect sa Bulacan tiklo sa Nueva Ecija

NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 3 …

PNP Nartatez P1.5B unregistered tobacco

₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas

Isang Malaking Operasyon sa Simula ng Taon Hindi nagkataon ang ₱1.5 bilyong pagkakasamsam ng mga …

Goitia BBM WPS China

Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas

Lumang Mensahe, Ibinenta Bilang Bago Ang pagtatangkang ipinta ng Tsina ang kontrol nito sa Scarborough …