SA layuning ma-monitor ang mga jeepney driver at operator na magpupumilit na magpatupad ng dagdag-singil sa pasahe, nagpakalat ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng nakasibilyang mga tauhan sa mga lansangan.
Sinabi ni LTFRB Executive Director Atty. Roberto Cabrera, kahit gaano man kaliit ay walang pahintulot ang ano mang fare increase.
Isinagawa ng LTFRB ang pagkilos makaraan ang banta ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) na magpapatupad sila ng P0.50 taas-singil sa jeep simula Lunes.
Banta ng LTFRB, ang sino mang mahuhuling driver na maniningil ng dagdag pasahe ay kakanselahin ang prangkisa.
Ngunit sa pinakabagong pahayag ni Efren de Luna ng ACTO, sinabi niyang walang dapat na ikabahala dahil hindi pa nila itutuloy ang fare hike bilang konsiderasyon sa mga pasahero.
(BETH JULIAN)