Tuesday , December 24 2024

Int’l women’s group naalarma sa trato vs Andrea Rosal

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma si International Women’s Alliance Chairperson Liza L. Maza kaugnay sa pag-aresto sa siyam-buwan buntis na si Andrea Rosal nitong Marso 27 at sa ulat na pagkakait sa kanya ng access sa legal advice ilang oras makaraan siyang maaresto, na paglabag sa kanyang karapatan sa legal counsel at sa “UN Rules for the Treatment of Women Prisoners and Non-Custodial Measures for Women Offenders” o kilala bilang Bangkok Rules.

Bukod dito, pinagkalooban lamang si Rosal ng medical attention dalawang araw makaraan siyang maaresto bunsod ng mga protesta.

Ang Bangkok Rules na inaprubahan ng United Nations General Assembly noong 2010 ay nagtatakda ng mga patakaran kaugnay sa pagtrato sa babaeng preso. Dahil ang umiiral na prison facilities sa buong mundo ay idinesenyo para sa mga lalaking preso, binuo ang Bangkok rules bilang konsiderasyon sa mga babaeng preso “who […] are one of the vulnerable groups that have specific needs and requirements.”

“We are concerned that Ms. Rosal’s basic civil right to counsel was denied by Government forces enforcing the arrest warrant,” pahayag ni Maza.

Nanawagan siyang pagtuunan ng pansin ang rule 2 paragraph 1 ng Bangkok Rules, nakasaad na, “Adequate attention shall be paid to the admission procedures for women and children, due to their particular vulnerability at this time. Newly arrived women prisoners shall be provided with facilities to contact their relatives; access to legal advice […]”

Nangamba rin si Maza na maaaring hindi napagkalooban si Rosal ng sapat na medical attention lalo’t malapit na siyang manganak, na malinaw na paglabag sa rule 23 paragraph 1 ng “Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners,” nakasaad na, “In women’s institutions there shall be special accommodation for all necessary pre-natal and post-natal care and treatment. Arrangements shall be made wherever practicable for children to be born in a hospital outside the institution.”

Ipinunto rin ni Maza ang rule 64, nakasaad na, “Non-custodial sentences for pregnant women and women with dependent children shall be preferred where possible and appropriate, […].”

Dagdag ni Maza, bunsod ng maselang kondisyon ni Rosal, maaari siyang mapalaya “on recognizance” o palayain nang walang kondisyon dahil sa kwestyonableng dahilan sa kanyang pagkaaresto.

(KARLA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *