Friday , November 15 2024

9 Martilyo Gang ‘nakatakas’ jaguar absuelto sa ‘negligence’ (Sa MOA incident)

SIYAM sa sampong nangholdap na hinihinalang grupo ng  Martilyo Gang ang ‘nakatakas’ sa naganap na holdap sa isang jewelry shop  sa Mall of Asia (MoA) sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Nakapiit na sa Pasay police detention ang nasakoteng  suspek na kinilalang si Bryan Bansawan alyas Mahdi L. Abedin, 23, na nahaharap sa mga kasong robbery, frustrated homicide, attempted homicide, illegal possession of firearms and ammunition.

Sa ulat na nakarating kay Pasay city police chief Sr. Supt. Florencio Ortilla, dakong 7:20 ng gabi nang mangyari ang insidente sa F&J Jewelry and Jewellers, nasa ground floor ng  SM Mall of Asia (MoA), Macapagal Avenue ng naturang siyudad.

Nakompiska sa suspek ang isang kalibre .45 baril, isang magazine puno ng mga bala.

Samantala, sugatan sa ligaw na bala ang kawani ng Spike Frozen Treats, na kinilalang si Brando Abdula, 20, ng 22 Ilang-Ilang St., Purok 6, Barangay Lower Bicutan, Taguig City, na ginagamot sa San Juan de Dios Hospital, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Tinutugis ng pulisya ang mga nakatakas na 9 pang  suspek kasama  ang  lider na kinilalang si Bryan Luminda, na posibleng tinamaan ng bala;  isang alias Jayson at isang alias Justine  na  pinaniniwalaang kasamahan ng nadakip na si Bansawan.

Naaresto ang suspek sa Tokyo-Tokyo restaurant dakong 8:20 ng gabi.

Ayon sa mga pulis na naunang nagresponde, apat hanggang anim na mga suspek ang kanilang tinutugis pero ayon sa isang saksi, dalawa lang ang kanilang nakita at kinompirma ni Bansawan  na dalawa lang silang sumalakay sa jewelry store.

Samantala, inabsuelto ng Pasay City Police ang mga security guard ng SM Mall of Asia (MOA), sa pagpapabaya kaya nakalusot ang mga suspek na nanloob sa mall.

Ayon kay Sr. Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay Police, ito’y dahil maayos naman ang inilatag na seguridad ng mall.

Naging maayos din anya ang pakikipag-ugnayan ng mga sekyu sa mga pulis, at nagkataon lang na mabilis at planado talaga ang pag-atake ng mga suspek sa mall.

Nagawa rin anya ng mga sekyu na tiyakin ang kaligtasan ng mga kostumer na noo’y nasa loob ng MoA.

Ayon pa sa pulisya, naging mabilis ang kanilang pagresponde dahil sa mga police assistant desk sa lugar.

Inaalam pa kung may natangay na alahas at magkano ang halaga.

(JAJA GARCIA)

 

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *