ILOILO CITY – Magsasagawa ng misa ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Crisis Intervention Unit (CIU) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay makaraan ang ulat na sinaniban ng masasamang espiritu ang mga kabataan na sinaklolohan ng ahensya at pansamantalang nananatili sa CIU sa Brgy. San Pedro, Molo malapit sa regional office ng DSWD.
Ayon kay Punong Brgy. Cirilo Lapascua ng Brgy. San Pedro, kahapon ng madaling araw nang humingi ng tulong sa kanyang mga barangay tanod ang mga tauhan ng CIU dahil nagwawala ang mga kabataan, nagsisigaw at hindi nila makayang kontrolin dahil napakalakas.
Dahil dito, dinala ang mga bata sa simbahan sa Cubay, Jaro at makaraan dasalan ay bumalik sa normal.
Sa apat na sinaniban, dalawa ang lalaki at dalawa ang babae na nasa 14 hanggang 16 anyos ang edad.