Tuesday , December 24 2024

Demolition job laban kay DepCom Nepomuceno, suntok sa buwan

“My duty to my country and my job comes first before anything.” Ito ang salitang binitiwan ni Depcom. Ariel Nepomuceno. Ang ibig sabihin, wala siyang sisinohin pagdating sa trabaho kahit kaibigan o maimpluwensiyang tao basta alam niyang nasa tama siya. Hindi siya takot makasagasa ng kahit sinong malaking tao pagdating sa kanyang tungkulin sa Bureau of Customs.

Nitong nakaraang mga araw ay iba’t ibang balita ang naririnig sa Aduana na mayroon mga opisyal na may irregularities umano dahil sa mga taong walang magawa kundi siraan ang mga namumuno sa Bureau of Customs.

Kung ating titingnan maigi, wala sa gano’n ang mga namumuno dito dahil ang mandato nila ay ituwid ang baluktot na sistema ng Bureau of Customs at alisin ang corruption.

Isa sa mga ginigiba ay si Enforcement Group Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno.

Bago dumating si Depcom. Ariel Sa Bureau of Customs siya ay Undersecretary ng National Defense. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ni Pa-ngulong Noynoy Aquino sa kanyang adminis-trasyon na ang alam ay maglingkod nang tapat sa bayan.

Kaya naman noong umupo na siya sa BoC ay sadya talagang naging mahigpit na siya at ang gusto niya ay maisaayos lahat ang kalakaran sa kanyang nasasakupan kaya naman ‘yung sistema ng mga pulis sa Aduana ay nagiging maayos na.

Minsan talaga sa trabaho ay hindi maiiwasan ang siraan ka kapag may nasasagasaan ka at kung tama ang iyong ginagawa ay may mga taong pilit kang sisiraan dahil sa inggit at pagiging makasarili.

Kaya naman kung balak niyong gibain ang isang kagaya ni DepCom Nepumoceno ay nagkakamali kayo.

Mayaman ang kanyang pamilya at ang gusto niya lang ay magamit ang kanyang mga pinag-aralan sa pagsasaayos ng takbo ng Bureau of customs sa tuwid na daan.

Sa kanya ay kailangan tulungan si Comm. John Sevilla na sugpuin ang smuggling sa bansa at patinuin ang mga empleyadong gumagawa ng kalokohan sa BoC.

Kaya naman sa kanilang reforma ay may mga nasasagasaan sila at pilit siya ginigiba sa pamamagitan ng chismis na walang katotoha-nan.

Sabagay ang mga chismis ay hindi papatulan ni DepCom. Ariel dahil nag-aaksaya lang kayo ng panahon dahil ayon sa kasabihan “You can’t put a good man down.”

Kaya mag-ingat-ingat ang mga taong naninira sa kanya dahil nagmamasid lang siya at kapag kayo ay napatunayan na naninira sa kanya ay may kalalagyan kayo.

Si Nepomuceno ay isa sa mga down-to-earth na opisyal ng gobyerno, siya ay sumusu-nod sa lahat ng utos ni Comm. Sevilla dahil na rin sa kautusan ni PNoy na magtulungan lahat sila para sa pagbabago at ikagaganda ng BOC.

Kaya malabong mangyari ang mga chismis na tara system e napakahigpit ang kanyang ipi-natutupad na “No Take Policy.” Kaya kung maninira kayo ay huwag naman ‘yung kasinunga-lingan ang ipagkakalat ninyo.

Gumawa na lang kayo ng tama para sa ba-yan at huwag ninyong idamay ang napakabait at napakamatinong si Depcom Ariel dahil ‘di kayo magtatagumpay.

Tulungan n’yo na lang siya para naman may maiwan kayong legacy sa BoC at ‘yung importer at broker na kasamang naninira ay ‘di kayo magtatagumpay.

Mula noong umupo si Nepomuceno ay marami na silang nahuling mga illegal na kargamento kasama na ang mga basura, bakal, counterfeit goods, bigas at iba pa. Kaya sa sandaling panahon pa lang ng kanyang pag-upo ay napakarami na niyang ginawang maganda sa BOC.

Mabuhay ka DepCom Nepomuceno, Sir.

Keep up the good work.

Saludo ang marami sa ‘yo at naniniwala sa iyong kakayahan na masugpo ang ismagling at corruption sa Aduana.

God bless!

***

Belated Happy Birthday pala sa aking kaibi-gan na si Deputy Collector Francisco Matugas ng NAIA Pair Cargo. Wish ko na sana’y lumawig pa ang iyong career, dahil bata ka pa at alam ko na mas marami ka pang magagawang magaganda para sa Bayan.

Isa kang tunay na public servant at ipagpa-tuloy ang iyong tapat na paglilingkod para sa ikaaayos ng reporma ng Bureau of Customs at kasama na rin sampu ng iyong kasamang opis-yales sa NAIA.

Mabuhay ka, Sir!

Jimmy Salgado

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *